Quotes: The great pleasure in life is doing what people say you cannot do.
Dedicated to: YOU
---
"Yah it's Kaizer"
"Where is Kaizer? Bakit hindi kayo magkasama?"
Umiling lang ako imbes na sagutin sya. Masakit parin hanggang ngayon. Napaka sariwa parin sa alaala ko ang nangyari. Yung tipong gabi gabi hindi maalis sa panaginip mo ang eksenang yun. Imagine that. Napakasagwa.
"Do you have a problem?"
Umiling ulit ako at sumandal nalang sa sofa. Kailangan ko pa bang i open up sa kanya? Hindi na naman ata kailangan. Sapat na yung mga kakilala ko lang ang makakaalam ng buong nangyari sa buhay ko lalo na sa pagitan namin ni Kaizer.
Nung nakaraang araw ko pa naiisip kung ano ba ang ginagawa ni Kaizer sa puntong ito. Iniisip niya rin ba ako? Okay lang kaya sya kahit wala ako? Kinaya nga niyang ipagpalit ako and worst nakipag palitan pa ng sarili kay Amanda. Hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha. Sa puntong ito nasasaktan parin ako sa tuwing binabalik ko yun. Mahal na mahal ko parin talaga sya. Kahit pangalan niya palang parang naiiyak na ako.
May naramdaman akong mga kamay sa pisngi ko at pinupunasan ang mga luhang umaagos dito. It's Doz.
"Kahit hindi mo sabihin, I feel it. Wag ka mag papadala sa emosyon mo Thea. Hindi maganda sa kalusugan mo lalo na't may batang lumalaki dito" Sabay hawak niya sa tyan ko. Napangiti nalang ako kahit papano. Alam kong maraming nag mamahal sakin. Marami nga'ng nag mamahal pero bakit siya? Hindi niya kayang mag mahal ng salitang 'AKO' lang.
Nag kuwentuhan lang kami ni Doz at kahit papano napapatawa niya ako dahil sa kakulitan nya. Natanong ko rin siya kung bakit wala masyadong gamit na andito. Ang sabi niya kakalipat lang nila ulit dito dahil na assign yung papa niya sa U.S military and wala silang matinong natitirhan. Na assign ulit ang papa niya dito sa Korea kaya kababalik lang nila dito 1 month na din ang nakalipas.
"You want to take a nap?" tanong niya sakin. Tumango ako at inakay niya ako papunta sa kwarto niya. Tumanggi ako kasi gusto ko sa guest room nalang pero ayaw niya akong patulugin sa guest room dahil kaibigan na rin daw niya ako.
"If you need anything, just call me." Ngumiti ako at tumango. Sinara na niya ang pinto kaya nahiga na ako sa kama niya. Napakalinis ng kwartong ito kasing linis ng kwarto ko. May mga paintings din na nakasabit sa mga pader. Mahilig ata siya mag paints. Nakatulog agad ako dahil sa napaka maaliwalas na paligid at dahil na rin sa pagod.
Nagising ako dahil sa init ng hininga na nasa leeg ko. Napabalikwas agad ako sa higaan.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Namiss kasi kita"
Napailing nalang ako at hinampas ang braso ni Jiro. Yes, andito siya. Hindi na ako magtataka pa kung paano siya nakapasok dito.
Nakaakbay siya sakin habang naglalakad kami pababa. Napunta kami sa sala. Andun na rin si Doz,Lala at may bago na namang lalaki. Sino kaya yun?
Napansin ata nila ang presensya namin kaya naman tumakbo si Lala at niyakap agad ako.
"Namiss mo agad ako?" sabay hagikhik namin. Tumango lang ang bata at lumingon kay Jiro. Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ang mukha ni Jiro.
"Ikaw po ang daddy ni Misha Laliana?" Nakita kong kumunot ang noo ni Jiro. Parang nakabuo na ata ng pangalan si Lala. Napailing nalang ako at napangiti.
"Misha Laliana?" Tanong ni Jiro.
Tumango si Lala at hinawakan ang tyan ko "Siya po" Sagot naman ni Lala. Ang kunot noo na si Jiro ay napalitan ang ngisi sa labi.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Genç KurguThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...