Quotes: The day we say I DO will be the greatest day of my life.
This is the last chap ng buhay nila and salamat sa lahat lahat ng nagbasa nito. Salamat. Hope you like it the last chap.
---
Three months pass..
Nakaupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Andito kami sa isang hotel at dito na held ang aming graduation. Nasa likuran naman sila Kaizer at mga kaibigan ko. Nakakalungkot isipin na hindi ako nakasabay sa kanila ng pag graduate pero natutuwa ako dahil isa akong..
"Give her around of applause. Our Summa Cum Laude, Thea Strauss"
Nagitla ako dahil sa pagtawag sa akin. Napalingon ako sa likuran ko habang tumatayo kung nasaan si Kaizer at mga kaibigan ko na nagpapalakpakan at sumisigaw.
Nagtawanan kaming lahat dito sa hall lalo na kay Kaizer na sumisigaw na..
"That's my soon to be wife! I'm so proud of you! I love you!"
Napapalipbite ako habang naglalakad hanggang sa makaabot ako ng stage. Kinamayan ako ng Principle at nag congrats sa akin. Nagpasalamat ako bago humarap sa kanilang lahat. Nanginginig pa ang kamay ko kaya di ko masyado mahawakan ang mikropono at dahil na rin sa sigaw ni Kaizer ay humihinahon ako.
"Hi!" Bati ko sa kanila na nakangiti. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula pero bahala na.
"Hello!" Sigawan ng karamihan. Nag tawanan kami at nag seryoso na rin.
"Hindi ko ineexpect na magiging Summa Cum Laude ako at mag i-speech sa harap niyo basta ang alam ko lang ay gusto ko ng magtapos ang huling kabanata dito sa kolehiyo. Pero alam niyo bang nalulungkot ako?" Napalunok ako dahil sa namumuong luha sa gilid ng aking mga mata.
"Nalulungkot ako dahil napapalapit na ako sa karamihan sa inyo. Nalulungkot ako dahil may mga kaibigan rin akong nabuo rito. Nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na tayong lahat at tatahakin ang ating magandang buhay."
"Sorry kung di ko kayang mag english medyo mahina pa ako roon" Tumulo na ang luha ko. This is not a simple tears, it's a tears of joy. Nagtawanan sila at pinunasan ang mga luhang umaagos sa kani-kanilang mukha.
"Guys.." Napahagulgol ako. Ang sikip sa dibdib. Sobrang sakit. Akala ko ganito kadali pero mawalay sa mga taong napamahal na sayo? Sobrang hirap pala. "Ano ba yan! Wag nga kayo umiyak huhuhu dinadamay niyo ko. Pumapangit tayo eh" Nagtawanan ulit kami at pagkatapos ng speech ko ay bumaba na ako. Kumaway pa ako kina Kaizer bago umupo.
Nagkantahan pa bago tinawag ang mga pangalan namin at kukunin ang diploma sa taas ng stage.
This is it. Para to sa pamilya ko at kay Papa. Papa isa ka sa dahilan ng pag angat ko. Kung hindi dahil sa inyo ni Mama siguro wala ako dito. Wala rin akong mga anghel at si Kaizer. Kaya maraming salamat.
Pumatak ang luha ko kaya pinunasan ko kaagad iyon nang tawagin na ang pangalan ko. Una akong tinawag kaya tumayo na ako. Lilingon pa sana ako pero may kamay ng pumulupot sa braso ko.
"Congrats anak"
Napahagulgol ako at niyakap si Mama. Akala ko talaga di siya makakapunta. Naglakad na kami papunta sa stage at tinanggap ang diploma pati na rin ang medal. Kinuhanan pa kami ni Kaizer ng litrato bago bumaba.
Pagkababa ko ay sinalubong ako ni Kaizer na may malapad na ngiti.
"Congrats baby" Ninakawan niya ako ng halik na mas ikinangiti ko. Niyakap ko muna si Kaizer at Mama bago umupo.
Nang matapos ang aming seremonya ay nagsimula na ring mag ingay at mag kamustahan.
Niyakap ko muna sila Teresa ang mga naging kaibigan ko bago pumunta sa aking pamilya.
BINABASA MO ANG
My Nerd Boss (COMPLETED✔)
Teen FictionThis story is completed. This is a tagalog romance story. Started: May 2017 Ended: December 2017 HIGHEST RANKING: #2 - Always #8 - Navarro #26 - Broke #27 - Surprise #120 - Thrill #195 - Boyfriend #319 - Forever #594 - Sacrifice #694 - Heartbreak #7...