Part 10

11.5K 207 2
                                    

"Thea gising na"

"Maya na manang hmm" Tumalikod ako sa kanya at nag unat

"Sige ka di mo makikita yung Fiancee ng boss mo"

Tumayo agad ako at minulat ang mga mata ko.

"ANDYAN NA SILA?" humarap ako sa salamin at nag ayos. Ok na ba yung damit ko? Naka jeans lang naman ako tsaka white v neck t shirt. Ayos na to diba?

"Kakarating lang nila pero ang mga Navarro palang sila Sir Antonio.Tara na baka tawagin tayo, duon lang tayo sa kitchen" Hinila na ako ni manang bago ako makapag salita. Dumaan kami sa likuran para di nila kami makita. Ano bang itsura ni Kaizer ngayon? Naalala ko na naman yung kanina "I-i didn't know" Sure ba syang di nya talaga alam ang nangyayare sa paligid nya?

Nasa kitchen na kami ni manang at ako nakaupo lang duon sa harap ng lutuan.

"Wag na wag kang lalabas duon o wag na wag kang sisilip man lang. Kapag tinawag tayo duon lang tayo lalabas. Naiintindihan mo Thea?" Tumango tango ako sa sinabi ni manang.

"Sana nga tawagin tayo para makita natin yung magiging Fiancee ng alaga ko" Di ako nag salita sa mga pinagsasabi ni manang. kalahating oras na din ang tumagal ng di padin kami tinatawag pero narinig ko ang sinabi ni Sir Ceizar.

"She's here"

Siguro napaka ganda ng magiging Fiancee ni Kaizer. Alangan namang pumili si Sir Ceizar ng di maganda,mayaman etc na di nila ka level para sa kanilang anak? Hell no.

"Thea?" Natauhan ako ng tinawag ni Sir Antonio yung name ko. Nasa harap ko na pala sya di ko man lang napansin kakahiya Thea.

"Yes po?"

"Pwede bang pa serve pa ako ng mga cupcakes?"

"Oh sure po dadalhin ko po ngayon" ngiti kong sabi

"Salamat Hija" Tumalikod na sya pero humarap agad "You can join us" nanlaki ang mga mata ko ng sabihin nya yun. Omg ako?

"A-ah wag na po"

"Hija ayos lang. May bakanteng upuan duon malapit kay Seb,diba kababata mo sya?" Tumango ako at ngumiti naman sya "Wag kana mahiya pag ka serve mo ng cupcakes umupo ka sa tabi ni Seb" nagpaalam na sya at ako nakatunganga.

"Bilisan mo na Thea bilis!" Binilisan kong kumuha ng cup cakes sa ref at pinapakalma ang sarili ko. Omggg di ako makahinga. Di ko alam ang gagawin ko. Kumuha ako ng malaking plato at nilagay ang mga cupcakes duon. Chin up breast out este chin up Thea. Hinigpitan ko ang pag hawak nuon at nag lakad na palabas sa kitchen. Nakikita ko si-- Sir Ceizar next to Kaizer next to Magandang babae next to mama ng babae next to papa ng babae next to Morgan next to Seb next to me este bakanteng upuan.

Nakita ako ni Ate Stacy and kumaway sya sakin lumingon naman silang lahat sa akin. Napalunok ako nakakahiya. Ngumiti si Jiro/Seb sakin lumapit ako kay Seb at nilagay duon ang cupcakes sa table. Umupo ako sa tabi ni Seb. Nag uusap na sila at nakahinga naman ako. I survived.

"Mabuti andito kana" Pabulong sabi ni Jiro

"Ha?"

"Pinasabi ko kay dad na papuntahin ka dito"

"Bat moko pinapunta? Wala kasama si manang sa kusina tapos kinakabahan pa ako" tinatap ko ang mga daliri ko sa binti ko at tinap naman sa mesa di naman kalakasan yung pag ta tap ko. Ganito ako kabahan tinatap yung mga daliri ko kahit saan.

"Andito naman ako. Tsaka parte ka ng Navarro lalo na sa akin"

Hinawakan nya ang kamay ko na nakatap sa mesa at humigpit ang hawak nya nun.  Ngumiti ako sa kanya habang nasa mesa padin ang kamay namin. Busy naman sila eh.

"Malamig ba kamay ni Thea?" napalingon naman kami ni Jiro kay ate Stacy na nasa gilid ko pala. Sa sobrang kaba ko di ko na sya napansin.

"Kinakabahan na nga yung tao ate eh" napalakas ata yung tono ng pananalita ni Jiro kaya lumingon silang lahat sa amin at sa kamay namin.

"Ehem" Paninimula ni Sir Ceizar "Anong ibig sabihin yan?" Sabay nguso nya sa kamay namin. Tinitigan ko naman yung mata ni Sir Ceizar ineexpect na may lumabas na salita sa akin.

"A-a friend" Sabay ngiti ko kahit na di ako confident. Tumaas ang kilay nya pero nakangisi. Urgh walangya Jiro. Namumula na ata yung buong mukha ko. Yuyuko na sana ako kaso nag tama ang paningin namin ni Kaizer. Salubong ang dalawang kilay nya.

"Excuse me i want to talk to Thea" Sabay tayo ni Kaizer at lumabas ng bahay sa pool ata papunta yun. Tinignan ko si Jiro na parang ayokong bumitiw sa kanya. Please wag moko bitawan. Nilakihan ko sya ng mata pero nag kibit balikat lang sya. Binitawan nya ang kamay ko God Jiro. Napabuntong hininga nalang si ate Stacy at tumango sakin. Tumayo na ako na ang lahat ng mga mata nila nasa akin. Huminga ako ng mabigat sobrang bigat na hininga. Lamunin mo na po ako lupa ayos na ayos lang kahit na lamunin mo na akong buhay.

Nakita ko sya na nakatayo sa pool. Humarap naman sya agad ng nasa likod na nya ako. Bumuntong hininga sya at pumikit tapos tumitig sakin.

"Bumili ka ng wine duon sa SM mega mall ka bumili wag sa kahit saan basta sa SM lang"

"Pero sungi--- este Kaizer mahigit isang kalahating oras yun baka traffic pa.

"Wala akong pake basta bumili ka. Samahan mo ng mga Cali,Vodka o whatsoever"  Kinuha nya ang credit card nya at binigay sakin "Kahit na anong gawin mo dyan basta umalis kalang muna dito sa bahay kahit na bumili ka ng Twix,Dairy milk,Toblerone kahit anong chocolates"

"Gusto mokong umalis sa bahay nyo? Edi sana sinabi mo nalang na lumayas ako at tangayin tong credit card mo!"

Nakakainis di ko na napigilan yung inis ko sa kanya. Pumunta na ako sa nakatayong James na nakasandal sa kotse.  Narinig ko pang tinawag nya ako gamit ang pangalan ko. Bahala sya dyan manigas ka.

"Oh Theang? San tayo?"

"Wag moko inisin! Baka mawalan ka ng balahibo!" pumasok na ako sa kotse at pati din sya. Nakita ko namang lumabas si Jiro sa bahay. Inopen ko yung window at tinawag sya. Pumunta naman sya sakin at sinabihan si James na sya nalang daw mag d drive.

"Ingatan mo kotse ko Seb!" Sigaw ni James ng umandar na kami at nakalabas na ng garahe. Naiinis talaga ako sa kanya!

"Anong nangyare? Tagal nyo mag usap kaya lumabas na ako"

"Nakakainis kasi! Pinabili nya ako ng wine or whatsoever tapos binigay nya pa tong credit card nya sakin tapos sinabi ko mga kalahating oras pa makakauwi ako kasi baka traffic diba pero pinaalis nya padin ako para lang mawala muna ako sa bahay nila. Edi sana diba sinabi nyang lumayas ka nalang dito" umirap ako at nag cross arms. Naiinis na naiinis talaga ako kay Sungit. Napaka sungit nya!

"Chill lang Thea salubong nga kilay nun eh kanina pa wala din syang imik"

Di na ako nag salita pero naiinis padin ako. Kinamumuhian kita KAIZER NAVARRO!!!!!!

------

TrixiHeartyMae

My Nerd Boss (COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon