Chapter 2 - WHAT?!

67 6 0
                                    

Chapter 2

WHAT?

~ Andrey's POV ~

Kasalukuyang nagbabasa ako dito sa canteen. Lunch na kase at katatapos ko lang din maglunch. Habang naglulunch nga eh nagbabasa pa rin ako. 'Yung tipong inaabangan mo talaga ang susunod na mga pangyayari sa book kaya hindi ko ito mabitawan.

Nakaramdam ako na may tumabi sa tabi ko.

"Hi Insan." Bati niya. Tinignan ko lang siya saka tinaasan ng kilay bilang bati sa kanya.

"Iistorbohin muna kita, ha?" Tumango ako.

"Asan ba 'yung mga kasama mo?" Tanong ko naman sa kanya without looking at her.

"Tinawag ng coach nila. Saying, sana ako din ganun. Sana may women's basketball din dito sa school, malamang, sasali ako." Excited niya na sabi tapos nangalumbaba siya at napabuntong hininga. "Graduating na tayo oh. Ilang months na lang. Siguro, 2nd year college na tayo kung hindi lang tayo naabutan ng K-12. Pero heto, nakakaproud at graduating na tayo. Ano bang plano mo insan? Naks, running valedictorian." Pang-aalaska niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Gusto ko lang makagraduate na may tahimik na buhay. Makaalis sa school na 'to nang mapayapa. Magcollege at matapos ng pag-aaral."

Ito ang gusto minsan sa akin ng ibang tao. Kahit na nagbabasa ako, nakukuha pa rin nila akong kausapin. Ewan ko ba. Hindi rin naman naiinterrupt ang pagbabasa ko dahil nakafocus pa rin naman ako sa binabasa ko.

"Boring mo naman talaga."Napaayos siya ng upo dahil kanina, nakataas sa upuan ang paa niya. "May pinadala sa'yo si Blue?"

Napatingin ako sa kanya. Tumango ako. "Bakit?"

"Sa akin din eh. Nang-aasar siguro 'yun. Pinadalhan ba naman ako ng pink na dress. Bastusan. Alam niyang lalaki ang puso ko pero pambabae ang panlabas na anyo. Ano bang pinadala sa'yo?"

"Contact lens." Matipid na sagot ko sa kanya. Nang-aasar nga siguro ang lalaking 'yun. Napagtripan na naman kaming magpinsan. Hindi naman April ngayon para sa April fools.

"Hmm. Tama nga. Magcontact lens ka na. Mas makapal na sa mukha mo ang kapal ng eye glasses mo oh. Natatakpan na 'yang singkit mong mata."

Napapout naman ako. Lahat sila gusting magcontact lens na ako. Ayaw ko naman kasi.

"Dinaig mo pa si Betty La Fea."

Tinignan ko lang siya. Sino ba 'yun? Ganun ako pagdi ko gets ang sinasabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya with a blank expression o mukha ng isang inosenteng bata.

"Di mo kilala 'yun? 'Yung pangit sa TV. 'Yung pangit 'yung ngipin. Basta pangit siya."

"So sinasabi mong mas pangit ako sa kanya kasi sabi mo dinaig ko na siya."

"Tumpak! Buti naman na gets mo." Sabi niya sabay tap sa balikat ko. "Alam mo insan, matalino ka sana kaso low gets ka naman." Natawa pa siya. Natigilan siya nang nakatingin lang ako sa kanya. "Ehem, sorry."

"Pangit ba ako Claine?" Tanong ko sa kanya.

"Insan, hindi ka pangit, mag-ayos ka lang kasi. Okay?"

They're always telling me na mag-ayos. Dalaga na ako at kailangan ko nang mag-ayos. The same sermon na lang sa akin everyday. Bakit ko naman kailangan mag-ayos eh wala naman akong pinapagandahan.

"Yow! Claine! Andrey!" Bati ni Dice. Nagsidatingan naman ang mga barkada nitong pinsan ko. Inalis ko naman ang pagkakaakbay sa akin ni Claine.

"Hi Andrey!" Bati ng kaibigan niyang si Ace.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon