Chapter 57

6 0 0
                                    


Let Me Know Chapter 57


R U Ready?


"Sinabi mo 'yun?" Tanong ni Hope sa akin sabay palakpak. 

Napalunok ako saka tumango. Kinakabahan na tuloy ako dahil sa ginawa ko. 

"Expected sa Valedictorian natin." Sabi din ni Ace na umiling-iling pa. Umakbay siya sa akin. "Alam naman naming kaya mo 'yun." 

Andito kami ngayon sa Cafeteria, nakaupo. After naming pumunta sa Principal's Office, dito nila ako niyayang pumunta. Kanya-kanya daw silang excuses kay Miss para lang makalabas. Isa pa sa dahilan nila, malapit na din lunch. 

"Hoy, Claine, okay ka lang ba?" Tanong ni Dice sa katabi niya.  Napatingin ako kay Claine na nasa harap ko. 


"Nag-aalala lang ako kay Andrey eh." Tumingin siya sa akin. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa kakayahan mo, pero pressured ka eh. Lalo na sa desisyong ginawa mo."

Napaisip na din sila sa sinabi ni Claine. 

I smiled at them para gumaan ang nararamdaman nila. "Wag kayong mag-alala. Ayos lang. Desisyon ko 'to, kaya kailangan kong panindigan." 

"Oh, Ken. Ano, nakausap mo na?" Sabi ni Rap kay Ken na kakarating lang. Sinundan niya kasi kanina si Aira. 

Ngumiti lang siya kay Rap saka tumingin sa amin. Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Ano, umorder na kayo? Mamaya niyan mahaba na ang pila." Mukhang pag-iiba niya sa usapan. 


"So next week na yung exam mo?" Tanong ni Hope habang may laman ang bibig. 

Tumango ako bilang sagot. 

"Grabe ah, binigyan ka ng oras ni Miss Prinicipal para magreview." Sabi ni Dice. "Maganda din offer niya sayo, kapag mataas scores mo, hindi kana sasabay sa amin mag-exam sa exam day." 

"Hayaan mo Andrey, tutulungan ka namin magreview." Sabi ni Claine. Mukhang nabuhayan siya na kaninang nag-aalala siya. 

Tumingin sila sa akin. Sabay-sabay silang tumango at nagcheer para sa akin. Ganito pala pakiramdam na may mga kaibigan ka. Ups and downs, lagi silang andiyan para tulungan ka, para pasayahin ka. Mas gumaan pakiramdam ko dahil sa kanila. Mas nawala ang worries ko. 


After ng lunch, may 30 minutes pa kaming break kaya naisipan kong pumunta sa Library para manghiram ng libro. 

"Samahan ko lang siya." Paalam ni Ken. Plano kong mag-isa lang talagang pumunta ng Library pero mukhang di ako makakatanggi dahil nauna na siya sa akin. 


"Ano ba 'yung mga librong hahanapin natin?" Tanong niya sa akin. 

Tumingin naman ako sa phone ko, sa notes ko. 

Napasilip siya rito. Ang lapit na muka niya sa mukha ko. Napaatras ako ng konti. 

"Ah sorry." Napansin niya ata na medyo naging awkward ako doon kaya lumayo din siya. "Ang bilis mo makapaglista ng books ah." Humawak siya sa wrist ko. "Tara hanapin natin." Saka niya ako hinila. 


"Yung sa Geometry, dito ata 'yun." Sabi niya habang naghahanap. Nakatingin lang ako sa kanya. Dedicated siya sa ginagawa niya. I know he's doing this to help me. 

"Bakit?" Tanong niya bigla sa akin. Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. 

"Thank you." Sabi ko nalang. Pero totoo, gusto kong magthank you sa kanya. 

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon