Chapter 56 - Rewind

6 0 0
                                    


Let Me Know Chapter 56


My Place


***Claine's POV***


"Hmmm." Sabay buntong hininga ko tapos ang kamay ko naman, nasa baba ko. Malalim talaga akong nag-iisip. 

"Game over na! Talo ka na naman!" Sabi ni Hope kay Dice. 

"Oh, Claine, mukhang andami mo atang iniisip ngayon? Himala ata at nag-iisip ka." Pang aalaska sa akin ni Ace. 

Andito kami ngayon sa bahay nina Dice. After daw kasi ng exam, mag-enjoy kami kahit konti. Pero pano ako makakaenjoy kung iniisip ko, na di pa tapos kalbaryo namin since nagkaroon ng issue ang pinsan ko. Andami kong inaalala. 

Una, syempre dahil pinsan ko si Andrey, mag-aalala ako. Pangalawa, nako naman. Ayaw ko na mag-exam ulit. Ayaw ko na magreview ulit. Akala ko pa naman last na exam ko na yung ngayong high school life namin. 

"Sira, iniisip ko lang si Andrey." Sabi ko sa kanya. 

Nagkatinginan kami ni Ken. Nakaupo siya sa dulo ng sofa at ako rin. Samantalang ang iba, si Dice, Hope at Ace, nakaupo sa floor habang nagpapapak ng chips. Si Rap naman nakahiga sa bed ni Dice habang may binabasa. Si Clay, ayun, tulog sa bed ni Dice. 

"Iniisip mo rin?" Tanong sa akin ni Ken. 

Tumango ako. Nagtinginan ang tatlo sa amin at pinatay ang TV. Mukhang nawala ang enjoyment nila at naging seryoso din. 

"Kasi napaka imposible talaga na magawa 'yun ni Andrey. Kilala ko siya. At sa tingin niyo, bakit ngayon lang nangyari to at a Valedictorian pa talaga?" 

Tumango sila sa sinabi ko. 

"Isipin niyo, tinulungan niya kayo magreview, sinabayan niya kayong magreview, tapos mandadaya lang siya? Ang effort naman ng ganun." Sabi naman ni Hope. 

"Bakit naman niya dadalhin ang Answer Key sa school kung kaya naman niya ito mamemorize di ba?" Napatingin kami sa side nina Rap. Ang akala naming tulog na si Clay, ayun, nagsalita. 

Tumango naman kami. "Hindi naman ganun katanga ang pinsan ko para magpahuli kaya alam kong hindi siya 'yun at di niya gagawin 'yun."

"And come to think of it, bakit nasaktong andoon ang isa naming classmate at si Aira habang binubuksan ni Andrey ang locker niya? Di ba pwedeng buksan niya ang locker niya habang walang tao para di siya mahuli?"

Napatingin kami kay Ken. Alam naming masasaktan siya sa sasabihin namin at kung sino ang hinala namin. Bestfriend niya 'yun eh. Pero siya lang naman ang nasa mga isip namin na gagawa nun.

"Balita ko din, hindi napatunayan na kay Andrey ang sulat na 'yun. Kaya ang iniimbistigahan nila ay pano napunta sa locker ni Andrey ang Answer Key at sino ang may gawa nito." Sabi ni Dice. 




***Ken's POV***


Kinabukasan...


Kung akala nila si Andrey lang ang laging usap-usapan, ako rin ay ganoon. Pagpasok ko ng school, mga mata nila ay nasa akin. Malamang, ako ang boyfriend ni Andrey sa mata nila. Iniisip din nila na kasabwat ako sa nangyari. 

Pagpasok ko na lang sa classroom, napabuntong hininga ako. Matatapos din to. 

Dumating din ang first subject teacher namin. Panay naman vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganitong oras at nasa school ako. 

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon