Let Me Know Chapter 36
Rain
Kinagabihan. Nagbabasa ako ng book. Medyo nawawal na rin sa isip ko 'yung problema ko. It's a good thing na agad na nasolusyunan. Hindi 'yung hanggang ngayon ginagambala pa rin ako. Pero nag-aalala pa rin ako kung kumusta ang usapan nina Ken at Ace.
Nagulat naman ako nang may biglang tumawag. Si Ken. A-anong gagawin ko? Napatayo pa ako dahil hindi ako mapakali. Bakit siya tumawag? May sasabihin ba siya?
Nakatitig lang ako sa phone ko. Sige na nga, sasagutin na.
"H-hello?"
"Hello!" Masigla niyang sabi.
"B-bakit?" Tanong ko. Bihira lang siya tumawag sa akin, ni magtext nga minsan lang din. Kaya nakakagulat lang.
"Bawal bang tawagan ang girlfriend ko?" Pagkasabi niya nun, feeling ko nagsitaasan ang dugo ko napunta sa pisngi ko. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Narinig ko na lang natumawa siya sa kabilang linya. "Hay, hindi ka talaga mabiro. Sorry nga pala kung hindi ko nagagawa ng mabuti ang responsibilities ko. Nakatitle na boyfriend mo ako pero hindi ko naman mapanindigan."
"O-okay lang 'yun. Eh alam mo namang hindi naman to—"
"No. I should act as one." Natahimik na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ganito? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Para bang nagbibigay hope sa akin mas magustuhan ko siya. Sinasabi naman ng isip ko na huwag, dahil masasaktan lang ako at nakikita ko naman na iba ang gusto niya.
"Ah...kumusta pala pag-uusap niyo ni Ace?" Pag-iiba ko ng topic. Medyo awkward na kasi eh. Isa pa, gusto ko din malaman.
"Okay naman." He paused. Narinig ko pang huminga siya ng malalim. "Andrey, what if girlfriend nga kita, anong isasagot mo kay Ace? What if hindi kita girlfriend, anong isasagot mo sa kanya? What if wala ang mga ito?"
Hindi na ako nakapagsalita sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Siguro, same answer lang ang sasabihin ko kay Ace. For sure naman kasing hindi kami magiging close, hindi kami magkakilala kung wala ang mga ito.
Natawa siya. "Andami ko namang tanong. Hahaha. Sige, good night. Sleep well."
"Ken."
"Hmm?"
Teka, bakit ko siya tinawag? Eh wala naman na akong sasabihin. Or baka kasi, ayaw ko pang mag-end ang call na ito?
"Good night." Napakagat ako sa labi ko. Maggogood night ka na nga lang, tinawag mo pa siya.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?