Chapter 59 - Lost N Found
"I am sorry Andrey. I am sorry." Sabi ni Anna habang hawak niya ang kamay ko. Iyak siya ng iyak habang nagpapaliwanag sa akin. "Nagpadala ako sa mga sinabi niya. She said tutulungan niya akong tumaas ang grades ko sa last quarter kaya ayun na lang naging condition namin." Referring to Aira. "Sorry talaga Andrey."
Andito kami ngayon sa likod ng building namin kung saan walang masyadong tao ang dumadaan. Hinanap ko agad si Anna nang malaman kong gusto niya akong makausap.
I am not surprised sa explanation ni Anna. Nakatingin lang ako sa baba. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin. I don't know she will get this low just to step on me. Just to get that award, that title.
I pat Anna's back. I hugged her. "Okay lang." Sabi ko. "Thank you kasi naging honest ka sa akin."
"Y-you deserve to be the valedictorian of this batch." Sabi niya nang makawala sa yakap ko.
Pinakalma ko muna si Anna bago kami bumalik sa building namin. Hindi ko man alam pano magcomfort ng isang tao, what I did is I just pat her back hanggang sa maging okay na siya. I know marami ding desperate na tumaas ang grades dahil graduating na kami. Final average ang isa sa mga pinakamahalagang requirements tuwing entrance sa mga Universities.
"Baka mahalata nilang umiyak ako, sabihin pa nila pinaiyak mo ako." Sabi ni Anna. I just smiled at her nang makarating na kami sa classroom.
Nagkatinginan kami ni Aira saka siya tumingin kay Anna. Umiwas siya ng tingin sa aming dalawa and I think she mouthed a course word.
Sana naman di na ito malaman ng iba. Alam kong magiging epekto nito kay Aira. Ayaw kong lumaki pa ang gulo lalo't natapos na ang isang gulo.
"Sigurado kayo? Ayos lang kay Tita?" Sabi ni Dice habang naglalakad kami palabas ng School.
Inakbayan siya ni Claine. "Sinasabi ko sa'yo Dice, ayos lang 'yun. Ako na magpapaalam para kay Andrey. Tsaka 1 week nalang din exam na natin. Todo na natin 'to."
"Hmm, tapos si Blue ang magluluto ng snacks natin?" Tanong ni Ace. Siniko naman ako ni Ace. "Sabihan mo si Blue ah." Tumango naman ako sa sinabi niya.
Balak kasi nilang magreview sa bahay. Syempre ako na naman ang tutor nila. 1 week nalang kasi, sila naman ang mag-eexam. Binalaan na sila ng teachers na iba ang exams before dahil nga doon sa nangyari. Si Claine na ang nag-aya sa kanila. Oo, siya ang may-ari ng bahay namin.
"Syempre, kailangan may ambag din kayo sa pagkain. Mukha palang ni Blue, hindi yun papayag na siya lang gagastos sa pagkain." Sabi ni Ken. Tumango naman ang lahat.
"Teka, nagkausap na kayo ni Anna?" Tanong bigla ni Rap. Yung iniiwasan kong topic. Tumango na lang ako sa tanong niya. "Ano daw?" Pahabol pa niya. Ayaw kong sabihin kung ano mang napag-usapan naming dalawa dahil alam kong mag-aalala sila.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?