Let Me Know Chapter 3
Change
"So, natatakot ka kay Tita?" Tanong sa akin ni Ate. Tumango ako.
Nakwento ko kasi sa kanya ang nangyari kahapon. Di ko ba alam kung nafrustrate ko ba siya o nagalit siya. Never ko pa naman siya nakitang ganun kaya di ko maexplain. Kapag kaharap naman namin siya lagi, napakacheerful niya.
"Ate, anong gagawin ko?" Tanong ko naman.
Lumapit siya sa akin saka niyakap ako sabay haplos sa buhok ko. Agad akong napahiwalay sa yakap niya. Kahit magkapatid kami, na a-awkward ako kapag ginaganun niya ako. We're close pero sa yakapan, hindi.
"I'm so proud of you kapatid." Sabi niya habang pinupasan ang gilid ng mga mata niya na nagkukunwaring naluluha. "Nagsha-share ka na sakin. Aww."
Napapout na lang ako sa sinabi ni Ate. Ngayon lang talaga ako nagshare sa kanya kasi ngayon lang naman ako nagkaproblema. As in, ngayon lang talaga. Lagi akong organize sa lahat ng bagay kaya hindi ako kaagad na nagkakaproblema, pero 'yung kahapon, it was unexpected.
Bumalik si Ate sa tapat ko at naupo. Nangalumbaba naman siya.
"Talagang na frustrate si Tita pero tingin ko, hindi naman siya galit sa'yo. Nag-expect kasi siya. You know, just like Mama, gusto niya rin na magkagirlfriend si Ken. 'Yun parang sa'yo lang. Lagi kang sinesermonan ni Mama na mag-ayos para magkaboyfriend ka naman. Tatandang dalaga ka ata niyan eh."
Naguluhan ako sa sinabi niya kaya I gave her that innocent look again.
"You mean, hindi pa nagkakagirlfriend si Ken?" Tanong ko sa kanya.
"Tumpak!" Saka siya pumalakpak.
"Di nga?"
Oo, di kapani-paniwala. Lapitin sila ng mga babae at imposibleng hindi sila magkagirlfriend. Sikat sa school and all pero hindi pa nagkakagirlfriend? Imposible. Isang malaking weh for them.
"Maniwala ka man sa hindi pero totoo ang sinasabi ko. Kaya nga namomroblema si Tita kung bakla ba ang anak niya o hindi. Pero tingin ko naman, hindi eh." Nagkibit balikat si Ate. "Sayang din ang lahi nila kung ganun."
Napabuntong hininga ako. Napaisip ulit ako sa problema ko. Macoconsider na ba as a big problem of the year itong problema ko sa buong year ko?
"You know, sana umoo na lang kayo. Pagnadepressed 'yun si Tita, lagot kayo."
"Eh hindi naman po kasi totoo Ate. Alangan namang umoo kami eh hindi naman. Parehas kaming walang alam sa pangyayari nung una. Magso-sorry na lang ako kay Tita."
Nagkibit balikat si Ate. "Then do it. If you think you need to. Hindi naman siguro galit si Tita. Hindi ganun si Tita. Okay?" At iniwan na ako ni Ate sa kusina.
Nakakagaan pala talagang magsabi ng problema sa kapatid. Kahit wala naman siyang naiadvise sa akin, okay lang.
Kinabukasan. Tumatambay na naman ako sa canteen at nagbasa. Katatapos ko lang kasi kumain at ayaw ko pang bumalik sa room. Nakaramdam akong may umupo sa tapat ko. Tinignan ko kung sino. Nakatingin lang ako sa kanya. Anong meron at naupo siya sa tapat ko? Nakapangalumbaba lang siya at mukhang problemado. Tinitignan ko pa rin siya. Hanggang sa napatingin siya sa akin.
"Depressed si Mama." Sabi niya na lang. Hindi ako umimik. Lumingon lingon ako para makasigurado akong ako ang kinakausap niya. Ako nga ba? "Anong gagawin natin?" Nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Bakit hindi ka sumasagot?"Tanong niya pa.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako ba ang kinakausap mo?"
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?