Let Me Know Chapter 14
Back Out?
Tumakbo ako palayo doon. Umiiyak habang pinupunasan ang mga luha ko. Konti na lang naman ang tao sa school kaya ayos lang. Hanggang sa makarating ako sa labas ng school. Kumalma ako at pinunasan ng maigi ang luha ko. Alam kong may makakahalata pa rin na umiyak ako dahil sa namumula ang ilong ko pero dyahe na.
Masakit pa rin sa pakiramdam lahat ng mga narinig ko. Masakit na nakakasakit ako ng tao. Aira's good to me tapos nasasaktan ko na pala ang feelings niya. Ang selfish ko naman siguro.
Is it my fault? Mukha nga. Andami ko nang nasasaktan. Una, parents naming, tapos heto, may tao pa palang nasasaktan. Hindi kaya ng konsensya ko ang ganito.
Naglakad na naman ako pauwi para makapag-isip isip ulit. Maaga pa naman siguro para magback out 'di ba? Hindi pa naman huli ang lahat. Wala pang nasisimulan.
"Ohohoho! Andrey! Tabi!" Napalingon ako sa sumigaw. Nalagpasan na niya ako tapos bumalik din ulit sa pwesto ko. Nakaskateboard na naman siya. "Hello." Bati niya. Napayuko lang ako. "T-teka, umiyak ka ba?" Tanong niya.
Iniwasan ko ang tanong niya at naglakad. At syempre, nahabol naman niya ako.
Hinawakan niya ang braso ko and that made me stop from walking. "Bakit ka umiyak? May nambully na naman ba sa'yo sa school? Sabihin mo lang sa akin."
Umiling ako. "Wala. Ako 'yung nakasakit eh." Sabi ko. Pinipigilan ko talagang maluha habang sinasabi ko iyon.
Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Ha? Anong pinagsasabi mo? Wag mong sabihin na bully ka na rin? Impluwensya ba naming 'yan?" I know he just want to enlighten the mood.
Huminga ako ng malalim. Ano na nga bang plano ko after kong marinig ang mga sinabi ni Aira?
"Let's stop the plan." Sabi ko sa kanya.
"Ano?" Medyo tumaas ang boses niya. Siguro dahil na rin sa gulat.
Hinila niya ako papunta sa playground ng subdivision namin. Pinaupo niya ako sa swing habang siya nasa harapan ko.
"Ano na namang pumasok sa isip mo at balak mong itigil itong mga pinagplanuhan natin? Anong meron? Bakit ka umiyak? Bakit mo nasabi 'yun?" Sunod sunod na tanong ni Ace.
I bit my lower lip. Sasabihin ko ba 'yung mga narinig ko sa room kanina?
Huminga ng malalim si Ace at naupo sa left side na swing. "Okay lang naman na sabihin mo sa akin eh. Pero sana wag kang magdecide ng padalos dalos. Kailngan din namin malaman ang dahilan. Andami na nating nasimulan oh."
"Nasasaktan ko si Aira." Sabi ko. Kinuwento ko na rin sa kanya lahat ng mga narinig ko sa room. Para naman malinawan siya kung bakit agad agad kong nasabi 'yun. "Ayaw kong nakakasakit ng tao. Oo, sabihin na nating napaka ano ko naman, pero iba pa rin 'yun eh. I've read books before na, pakiramdam na, 'yung nasasapawan ka ng iba sa mahal mo. Hindi ko pa naramdaman 'yun pero sa tingin ko masakit lalo na wala kang magawa."
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?