Chapter 19 - For You

34 4 0
                                    

Let Me Know Chapter 19



For You



"Sige, maiwan na namin kayo. Magdate muna kayo." Sabay tawa ni Tita Suzy.


"Bye Anak." Paalam ni Mama.


"Hoy Ken, ingatan mo 'yang si Andrey, Anak ko na rin 'yan." Sabi ni Tito Drake.


"Ken! Mag-ingat ka kay Andrey." Sabi naman ni Papa sabay thumbs up.


Paalam nila sa aming dalawa habang nakaupo kami dito sa table. Ayaw pa nila kaming paalisin dahil magdate na muna kami. Bayad naman na raw ang kakainin namin. Pagkaalis nila, para kaming nabunutan ng tinik. Sabay pa kaming napabuntong hininga.


"Mission Complete!" Sigaw ni Ace. Sabay sabay silang nagsitakbuhan sa pwesto namin.


"Ayos ah, parang hindi scripter 'yung ginawa niyo. Parang totoo na." Sabi ni Ate. Narinig nila ang mga pinag-usapan naming dahil nakaopen ang phone ni Ken. Nakacall ito sa phone ni Ate.


"Wala naman kayong nasunod sa script." Sabi ni Clay.


"Ano k aba? Okay na 'yun. Atleast naging successful naman. Kaso di ko kinaya 'yung mga linya niyo." Sabi naman ni Claine.


"Akin na 'to ha?" Sabay kuha ng cake ni Dice.


Pareho kaming di naimik ni Ken. Exhausted perhaps. Di naming alam pareho kung saan nang galing ang mga pinagsasabi namin. Hindi rin ata kami makapaniwala na naggaling 'yung sa mga bunganga namin.


"Hayaan niyo muna silang makamove on." Sabi ni Ate nang mapansin niyang di talaga kami naimik. "Kumain na lang tayo." Yaya niya pa sa iba.


Buti na lang at walang pasok bukas at sa malawa. Makakapagpahinga ako sa mga panahong iyon. May panahon ako magbasa. Pero there's more, next week ay sembreak na. Kaso 1 week lang. Sobrang tipid nila. After sembreak pa eh exam na. Kaya hindi din ako makakapagrelax.


Habang nagbabasa ako, tumunog naman ang phone ko. Si Blue, tumatawag! Agad ko itong sinagot.


"Blue! Sorry! Sorry!" Sabi ko agad. Pero walang umimik sa kabilang linya. "Magsalita ka naman oh." Wala pa rin. Nagsayang lang siya ng load para matawagan ako? Ang mahal kaya ng international call tapos di lang siya magsasalita.


"Blue." Sabi ko with my malungkot na voice. Kaso wala pa talagang nagsalita. "Galit ka ba sa akin?"


"I Miss You."


Natigilan ako. Pagkasabi niya nun, agad niyang binaba ang tawag. Ang sincere ng boses niya. Di ko ineexpect na sasabihin niya 'yun. Never niya pang sinabi ang salitang 'yun sa akin. Or baka sinabi niya lang 'yun para gumaan ang pakiramdam ko at para malaman na hindi siya galit. Namiss ko rin naman siya eh. Pero masaya na akong malaman na hindi siya galit sa akin.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon