Chapter 11 - 1st Day

43 5 0
                                    


Let Me Know Chapter 11

1st Day

"Hoy! Okay ka lang?" Gising sa akin ni Ate. Nakatulala kasi ako. "Umayos ka ng Andrey. Ubusin mo na 'yang kinakain mo. Baka malate ka pa sa klase."

Tumayo na ako kahit hindi pa ubos ang pagkain ko. Inubos ko na lang ang gatas ko.

"Ops, ano 'yan?" Tanong niya nang tatalikod na ako.

"Busog na po ako." Sabi ko naman.

"Ikaw ha, purket may boyfriend ka na, hindi mo naman kailangan maging conscious sa katawan at hitsura mo, okay?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ate. Anong pinagsasabi niya? Eh busog naman talaga ako. Wala na nga akong gana eh. Ewan ko na naman kung bakit.

Hinimas niya ang chin niya. "Hindi kaya, kinakabahan ka dahil sa 1st day niyo ngayon?"

Mas lalong binigyan ko siya ng nagtatakang look. Nababaliw na ba siya?

"Duh Sis. First day mo ngayon na may boyfriend. Aren't you excited?" She said as she rolled her eyes at may gesture pa na iniikot din niya ang spoon niya.

Ah, yun naman pala. Sa totoo nga, hindi ko nga 'yun naisip kaninang paggising ko. Akala ko nga normal lang na araw for me. Tapos pinaalala ngayon ni Ate, naalala ko tuloy. Napabuntong hininga na lang ako at umiling sa tanong ni Ate.

"Hindi na ako magtatanong kung bakit. Sige na, lumayas ka na." Pagtataboy niya sa akin.

"Bye Sis." Sabi ko sabay kuha ng gamit ko sa sala.

Maglalakad ako ngayon dahil maaga pa naman. May time pa akong makapagbasa ng libro habang naglalakad. Nakaugalian ko na ito. Hindi naman ako nababangga ng sasakyan dahil maingat naman ako.

Kinuha ko na ang book sa bag ko at nagsimulang maglakad. Oo nga pala, madadaanan ko ang bahay nina Ken. Sana hindi ako makita nina Tita. And gladly, nakalagpas ako ng bahay nila ng ligtas at buhay.

Nakarating din naman ako sa school ng maayos. Ang usual na pasok ko, kakaiba na ngayon. Ikaw ba namang, batiin ng guard. Kilala niya na rin ako eh dating ini-snob lang ako nito. Ang creepy nga ng ngiti niya eh. Nagulat pa ako sa kanya dahil nagbabasa ako tapos bigla niya akong binati ng good morning with name ko pa. Kilala na niya ako ngayon. Pati pala sa fuard nakakarating ang balita.

Paglagpas ko naman sa guard house, pinagtitinginan naman ako ng iba pang students. Nakakahiya. Para bang may mali sa mukha mo kaya ganun ang mga tingin nila. Alam ko naman ang dahilan eh.

Dumaan muna ako sa locker bago pumasok ng room. Pero, pagbukas ko sa locker ko, bumungad sa akin ang mga crumpled papers. Anong meron at pano nila nalaman ang password ng locker ko? Sinong may gawa ne'to?

Nakarinig naman ako ng tawanan galing sa ibang mgs students na nadaan sa akin. Napakagat na lang ako sa lips ko dahil sa kahihiyan.

Binaba ko muna ang ibang gamit ko sa room. Pumunta na din ako sa storage room ng mga janitor para kumuha ng plastic bag. Bumalik ako sa locker ko at nilinis ito. May mga wrappers pa ng chocolates. Hindi naman siguro mukhang basurahan ang locker ko. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko?

"Oh, Andrey, anong ginagawa mo diyan? Ba't namumulot ka ng basura?" Tanong ni Ace na mukhang kakapasok pa lang at napadaan sa akin.

Tinignan ko lang siya na parang nahihiya. Tumingin siya sa locker ko na nakabukas.

"Sinong may gawa ne'to?" Medyo nakakunot ang noo niya. Ito ang first time na makita kong ganun ang expression sa mukha niya. Madalas kasi siyag nakangiti.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon