Let Me Know Chapter 55
Save Me
"Pero impossible naman po 'yun Miss." Sabi ni Mama kay Miss Principal.
Nakayuko lang ako sa isang gilid. Kinakausap naman ni Miss Principal sila Mama at Papa.
"Andami niya nang naiambag sa school niyo. She even top the Math Quiz Nationwide. Even the Science Fair when she was Junior High. Sa tingin niyo kaya niyang mandaya sa simpleng 4th Grading Exam na yan?" Sabi ni Mama.
"Kumalma ka Hon." Sabi naman ni Papa kay Mama.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong nangyayari.
"Ma'am, kumalma muna po kayo. Under deliberation palang po si Andrey. May second interview pa po tayo, at doon po malalaman kung ano ang mga gagawin."
"Ayusin niyo 'yan!" Singhal ni Mama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na dinedefend ako ni Mama or mahihiya dahil nawawala sa pagkamahinhin si Mama.
After ng usapan nila, sumabay na akong lumabas ng office kila Mama.
"I cancelled my meeting for this." Kalmadong sabi ni Mama. "Ayaw kong Ate mo ang umattend sa ganito dahil alam kong mas iba 'yun. Magwawala lang siya dito." She looked at me. Nakayuko pa rin ako. "Anak." Hinawakan niya ang balikat ko. "Alam kong hindi mo gagawin 'yun. I know you. Anak kita eh." Sabi niya sabay smile. Ngumiti din sa akin si Papa.
I smiled ate them and I hugged them. "Thank you po."
"Oh sige na, balik ka muna sa klase huh?" Sabi sa akin ni Papa. "Papakalmahin ko lang Mama mo at alam kong sa akin niya ibubulyaw ang lahat. Nagmana talaga ang Ate mo sa Mama mo." Sabi ni Papa sabay kindat.
"Mana ka diyan?" Nakasimangot na si Mama kay Papa. Nagpaalam na silang dalawa sa akin after non.
"Andrey!" Lumingon ako sa tumatawag sa akin. Nasa tapat pa rin ako ng Principal's Office.
Si Claine, kasama niya ang lima. Nauuna nang makarating sa akin si Claine dahil tumakbo siya.
"Anong sabi?" Tanong niya.
I smiled at them. "May second interview pa raw. Doon malalaman kung anong gagawin nila sa akin."
Napabuntong hininga si Claine. "Alam kong hindi mo magagawa 'yun." Napacross arms siya. "Mga naiinggit lang sa pagiging running valedictorian moa ng gagawa non." Tapos napatingin siya sa akin. "Huwag mong sabihin na—"
"Hay nako. Wag kang mag-isip ng ganun." Sabi ko naman.
"Pero iniisip mo rin na baka siya di ba?"
"Sino?" Tanong ni Ken.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?