Let Me Know Chapter 12
Research?
"Maghihintay ba ako sa padala niya or bibili ako ng bagong libro? Tsk. Hindi na ata magpapadala 'yun dahil sa nalaman niya. Nabasa kaya niya ang message ko? Baka na-seen lang ako sa kanya. Hay." Sabi ko habang nakatingin sa mga libro na nakadisplay dito sa bookstore.
"Miss, okay lang po ba kayo?" Lumapit sa akin ang isang sales lady.
"Ah...o-okay lang po ako. Hindi lang ako makadecide kung anong bibilhin ko." Sabi ko naman. Tumango siya pero parang hindi siya satisfied sa sagot ko saka umalis.
Kumuha na lang ako ng dalawang second hand na book. It is fine with if it's just second hand, as long as libro ito. Hindi naman ako maarte pagdating sa libro.
Pagkakuha ko nun, tumalikod na ako para pumunta sa counter kaso nga lang nagulat ako sa nakasalubong ko.
"Andrey!" Sabay na sigaw ni Ace at ni Dice samantalang si Clay eh tahimik lang na lumapit sa akin. Pinagtinginan tuloy kami ng iba pang costumers. Umakbay pa sila sa akin na siyang ikinagulat ko.
"Ow, ano 'yang bibilin mo?" Sabi ni Dice habang binabasa ang title ng mga books na hawak ko.
"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko naman sa kanila.
"Naghahanap kami ng books." Sagot ni Clay habang kumukuha ng libro tapos titignan ito at ibabalik lang din sa kinalalagyan nito.
"Naghahanap kayo ng books? Uh..kayo?" Sabi ko sa kanila sabaya tingin ng nagtataka.
Umali sang akbay ni Dice sa akin. "Grabe ka naman Andrey, napakajudgemental mo naman."
"Oo nga. Anong akala mo sa amin Andrey? Hindi kami mahilig magbasa? Mahilig din kami magbasa. Basta mga gwapo." Dagdag pa ni Ace habang tumataas at baba ang kilay niya.
"Ang ingay niyo." Clay commented at lumipat sa ibang shelves. Ang moody talaga ng isang 'to. Minsan iniisip ko na lang, pano niya naging kaibigan ang mga maiingay na 'to.
Sinundan lang siya ng tingin nung dalawang ito tapos tumingin sila sa akin habang nakangiti. "Tara, samahan mo kaning hanapin 'yung book na hinahanap namin." Sabi ni Ace.
Hinila naman nila ako sa isang shelves. Ewan ko ba at dito sa mga shelves na ito ang punta nila. Pang mamatured books ang nandito. Advices kuno sa mga kung anong bagay. Kailangan ba nila sa isa nilang subject?
Busy sila sa paghahanap habang tinitignan ko lang sila. Lumapit naman sa amin si Clay na may dalang isang libro.
"Ito na." Sabi niya sabay bigay kay Dice na naupo sa sahig.
"Oh? Buti naman nahanap mo kaagad." Sabi niya na mangha kay Clay.
Sinilip ko naman kung anong book ito at parang napakaimportante nito sa kanila.
"100 Things Couple Do"
Binasa ko pang maigi ang title. Baka namali lang ako. Pero ito talaga ang title ng book na nasa cover page niya. Napatingin pa ako sa kanilang tatlo. Binabasa nila ang nakasulat sa likod ng book.
"Yan 'yung hinahanap niyong book?" Tanong ko.
"Oo, bakit?" Sabi ni Ace habang nangiti nang malawak.
"Para saan 'yan?" Dagdag ko pa.
"Para sainyo. Kailangan niyo 'to." Si Dice ang sumagot sa tanong ko.
Nagulat kami nang biglang may tumutugtog na music. Medyo familiar siya. Intro ata ng Worth It na song ng Fifth Harmony. Nagtinginan naman kaming apat. Kumapa si Ace sa bulsa niya. Kinuha niya ang phone niya. Ito pala ang tumutunog.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?