Let Me Know Chapter 50
Countdown to D-day
"5 days na lang, Valentine's Day na. 5 days na lang, Prom na." Dinig kong sabi ng ibang students dito sa hallway habang inaayos ko ang locker ko.
"Ano, may nag-invite na ba sayo?"
"Sabi ko kasi sa'yo, gandahan mo eh."
"Choosy ka naman. Wala na nga lang pumapayag sa mga invites mo. Patusin mo a 'yun, para may date ka." Sabay siko ng isang lalaki sa barkada niya.
Ganun ba kahalaga sa kanila ang araw na 'yun? Para sa akin kasi, parang ordinary day lang 'yun. Yun din ang araw na mag-isa ako sa bahay. Totally. Pano ba naman, syempre, si Ate, may date. Si Mama at Papa, may date. Eh ako? Kadate ang mga libro ko every Valentine's Day. Nakakareceive na lang ako ng take out nila galing sa dates nila. At least busog pa ako 'di ba?
"Hoy, Ken kasi pumayag ka na. Ako na lang oh?"
Binatukan ni Ace si Dice. "Ako kaya unang nagyaya sa kanya."
"Magsitigil nga kayong dalawa. Kadiri kayo." Sabi naman ni Ken sa kanila.
Naghahabulan sila sa hallway. Si Dice at Ace, hinahabol si Ken. Samantalang nahuhuli naman itong si Clay at Rap na nag-uusap. Nilipat ko na lang ang paningin ko sa locker ko. Kunwari di ko naman sila napansin.
"Insaaaan. Tayo na lang date sa V-day." Nagulat ako nang biglang umakbay sa akin si Claine. Akala ko hindi nila siya kasama.
"Ah ano...punta lang ako sa Library."
"Ha? Lunch eh."
"Mamaya na lang." At tuluyan na akong tumakas. Naalala ko naman kasi 'yung gabing muntik na kaming magstay ng isang gabi dito sa school. Naaalala ko 'yun sa tuwing nakikita ko si Ken.
Buti na lang talaga at andun si Blue, naghihintay sa labas ng school. Eh di dahil doon, may lusot akong hindi kami sasabay sa pag-uwi ni Ken. Kaso nga lang, sobrang bait ni Blue at sinabay namin sa pag-uwi si ken. Silang dalawa lang ang nagkwekwentuhan. Pinaupo pa ako ni Blue sa likod. Parang walang nangyaring bangayan sa kanila dati ah.
At dahil nga best friend ko si Blue, naikwento ko na sa kanya ang mga pangyayari sa gabing 'yun kung bakit nalate ako ng uwi at kaming dalawa na lang ni Ken ang tanging lumabas ng school.
"Malapit na Valentine's Day, dito ka pa rin tumatabay? Sabagay, ano pa nga bang bago?" Nagulat ako nang tumabi sa akin si Blue.
Kilala na siya ng guard dito kaya malamang, madali na lang siyang makakapasok dito sa school. Kaso these past few days, bihira na siya pumasok dito sa school. Minsan sa labas na lang siya, naghihintay sa akin.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?