Let Me Know Chapter 4
The Deal
Sumunod kami ng family ko sa Hospital. Tinext ko sila about sa nangyari. Agad kaming pumunta sa kwarto ni Tita nang makarating kami sa Hospital. Gising naman siya kaso mukhang nanghihina. May mga nakaturok din sa kanya.
Nang makita niya ako, nginitian niya lang ako. Isang sincere na ngiti na lagi niya sa aking binibigay kapag nagkikita kami. Napag isip kong hindi muna ito ang oras para kausapin ko si Tita. Kapag maayos na ang lagay niya.
Lumabas ako ng kwarto ni Tita. Naiwan naman sa loob sila Ate. Naglakad na lang ako palabas ng hospital at napadpad ako sa garden nito. Sakto namang nakita ko si Ken na nakaupo sa isa sa mga bench. Tanging liwanang na lang sa street light sa garden ang nagsisilbing liwanang dito dahil gabi na rin. Di ko ba alam kung makikiupo ako o hindi. Napagdesisyonan ko na lang na tumalikod.
Magsisimula na sana ako sa paglalakad nang tawagin niya ako.
"Hoy." Sabi niya lang sa akin.
Lumingon ako ng bahagya just to make sure kung ako nga ba ang tinatawag niya. Malay ko kung hindi naman mapahiya pa ako. Pero nakatungo lang ang ulo niya at nakatingin lang sa baba. Hindi naman siguro ako ang tinatawag niya kaya tumalikod ako ulit.
Akmang lalakad na ako nang may humawak sa wrist ko saka hinila ako paupo. Nakatingin lang ako sa kanya at siya nakatungo pa rin.
"Ako pala ang tinatawag mo?"Inosenteng tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam eh.
Napabuntong hininga lang siya. Ewan ko pero ang weird ng atmosphere. Bakit niya ba ako pinaupo dito?
"Pwede naman siguro ako magkwento sa'yo kahit hindi tayo close 'di ba?" Sabi niya sa akin habang nakayuko.
Nilibot ko lang ang paningin ko na tila nag iisip. Pwede lang naman. Hindi na lang ako umimik para hudyat na pumapayag ako na magkwento siya. Siguro wala talaga siyang makausap ngayon.
"Mama's depressed. Hindi siya makakain ng maayos that's why she fainted. She keeps on thinking about that thing na akala niya na, ikaw at ako." Umayos siya ng upo. "You know, my Mom is so jolly, cheerful and all. Pero kapag may something na makakapagpalungkot sa kanya, nagiging malungkot na malungkot talaga siya. Dinidib niya 'yung nangyari nung nakaraang araw eh." Napabuntong hininga na naman siya. "Kaninang nagkamalay siya, kinausap niya ako. She said, if I really want her to be happy," He paused. "Gusto niyang maging tayo."
Nakikinig lang ako ng maigi sa sinasabi niya. Napaisip naman ako sa huling salita na sinabi niya.
"Ano?!" Napatayo pa ako. Napatakip naman ako ng bibig dahil nakakahiya at may mga tao ding nags-stroll dito sa garden. Baka makaistorbo pa ako. "Seryoso ba si Tita diyan?" Mahinang sabi ko.
Tumango siya. Malungkot din ang mukha niya.
"As in tayo? Di ba pwedeng ibang babae? As in ako?" Paninigurado ko. Tumango ulit siya.
"Pwede umupo ka?" Tanong niya. Naupo naman ako. "So....maski ako, ayaw ko din at ganun ka din. I really don't want to enter in any realationship, but.." Napabutong hininga siya. "For the sake of my Mom. This is the first and last time I'm gonna ask you a favor. Can you please help me? Kahit magkunwari lang tayo. Please. I really do love my Mom."
Nakatingin lang ako ako sa kanya habang sinasabi niya 'yun. Nakatingin din siya sa akin. Bakas sa mga mata niya na gusto niya talagang pasayahin ang Mama niya. Nagmamakaawa pa siya.
Tumayo ako. Ako ang taong mabilis lang makagawa ng desisyon at hindi koi to pagsisisihan.
"Sorry, pero hindi ko ata kayang magsinungaling o magkunwari. Hindi kaya ng konsensya ko ng ganun."
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?