Let Me Know Chapter 15
Alone Together? Or Not?
Kring.....
Tunog ng bell. Meaning next class na.
Ganun ba talaga kapag, more on academics ka, hindi ka masyadong magaling sa mga physical activities? I love P.E. kapag naglelesson, pero pag actual na, hindi na. Mas gusto ko pang maupo, makinig at magtake ng quiz na written. Kaso ang quiz namin dito eh actual mismo. Buti na lang at medyo mataas pa nakukuha kong score dito.
Katatapos lang ng P.E. Class namin. Sumayaw kami ng basic steps. Pero pati sa pagsayaw, hindi sumasang-ayon ang katawan ko. Dahil sa nahihirapan ako, pinagpawisan talaga ako.
Pumunta ako sa bleachers kung saan nakalagay ang bag ko. Hinalughog ko ang paper bag ko dahil hinahanap ko ang bimpo ko. Hindi ba nailagay ni Ate? Siya ang nag insist na maghanda ng PE Uniform ko kanina. Kaso, wala talaga. Pano na 'to?
"Bimpo?"
Napatingin ako sa kanan ko. Si Ken. Oo nga pala, after ng class namin, class na nila.
Hiyawan na sa paligid ang maririnig namin. Syempre, sinimulan ng mga kaibigan ni Ken kasama na ang pinsan ko. Ewan ko ba kung part ito ng pagpapanggap niya o ano.
"Ayaw mo? Pawis na pawis ka oh." Sabi niya pa.
"Baka wala ka nang bimpo?" Tanong ko. Nakakahiya naman kasi.
"Meron akong extra." Sabi niya sabay pakita ng isa pang bimpo.
No choice ako kundi tanggapin ito. Mapapahiya siya kung hindi. Saka kailangan ko talaga ng bimpo ngayon. Tanggapin ko na ito kesa maglagkit ako mamaya. Computer pa man din ang next class namin at aircon pa 'yun. Ang pangit naman na matuyuan ang ng pawis.
"S-salamat." Sabi ko sa kanya. Nginitian naman niya ako.
"Sige, balik na ako doon." Paalam niya at tumakbo na sa gitna ng court.
Napatingin ako kay Aira. Nakatingin siya kay Ken. Blanko lang ang expression niya. Hanggang ngayon kasi talaga, iniisip ko pa rin ang nararamdaman niya. I felt bad for her pero wala naman akong magagawa.
After nun, pati sa Computer subject namin, hindi pa rin mawala ang kutya nila sa akin. Hindi pa rin sila makamove on. At syempre, may iba diyan na hater din. Hindi na maiiwasan 'yun. Kesa sa patulan ko pa sila, tanggapin na lang. Wala din akong magagawa.
Buti na lang at vacant namin after ng subject namin na 'yun. Naisipan kong pumunta ng Music Room. Sakto naman at walang tao. Baka isipin pa ng Club President dito na balak kong sumali at pilitin pa niya ako. Gusto ko lang naman magplay ng Piano dito ngayon. Pangrelieve ng stress. Ang tagal ko na ding hindi tumutugtug.
Naupo ako sa harapan nito at binuksan ito. I started playing. Ang gaan lang sa pakiramdam. I don't know pero habang tumutugtug ako, I remember the good memories back when I was a kid. Iba talaga ang nagagawa ng Music. Kung sana pwede lang ibalik ng Music sa simula, baka pwede ko pa mabago ang mga 'to. Kung 'di ko ba binili 'yung key chain walang, ganito? Teka, ang drama pakinggan.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?