Chapter 46 - Hide and Seek

23 4 0
                                    


Let Me Know Chapter 46



Hide and Seek



"So I'll be grouping you for your next activity."


Sana matapos ang araw na 'to. Sana bukas na ulit. Ganun. Sana mabilis na lang ang panahon para mabilis din mawala ang lahat. Pwede bang mag fast forward na lang ang araw? Sana bukas graduate na ako para ibang environment naman. Mga ganung tipo ba. Sana naman may makaimbento ng machine na pwede kang magskip sa araw na ito.


Bakit ko pa kasi nakita 'yung picture na 'yun? Ang tagal tagal na nun pero bakit iba ang impact sa akin? Sana pala di na lang ako nagbukas ng facebook.


"Andrey. Huy. Are you okay?" Napatingin ako kay Rap na nasa harapan ko.


"Ha?"


"Magkagrupo tayo." He said tapos naupo siya sa tabi ko.


Tumingin din ako sa paligid. Nagsipunta na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang kagrupo. Anong meron?


"Ano raw gagawin?" Tanong ko. Nawala na naman ako sa katinuan.


"Gagaw raw ng Video. More like trailer or something about loving yourself." Nagulat ako nang magsalita si Aira na nasa harapan ko nakaupo habang may binabasa sa notebook niya. Kagrupo ko ba siya?


"Yun 'yung topic?" Tanong ko.


Napatingin silang apat sa akin. Oo, lima kaming lahat sa isang grupo. Nagtinginan pa sila.


"Okay ka lang ba Andrey? Mukha kasing luting." Tanong ni Nina. Sanay kasi silang kapag group work eh alam ko na agad ang gagawin ko, hindi na ako magtatanong pa.


"H-ha? Okay lang ako." Nahiya tuloy ako sa kanila. Magfocus ka nga Andrey. Isantabi mo muna ang mga 'yan.


Tumingin naman ako sa board. Si Rap pala leader namin. Si Ma'am na din pala nag-assign ng mga gagawin namin para maayos ang mga gawain.


"So ganito, ikaw Andrey ang magsusulat ng script." Napatingin ako kay Rap. Nakatingin naman siya sa notes niya. Bakit script sa akin? So meaning sa akin nakasalalay ang flow ng story. "Ikaw naman Aira, ikaw bahala sa shooting place. Nina, you're assigned sa props, Jun, video editing. Since sabi ni Ma'am lahat tayo dapat makita sa Vid, you should divide it Andrey. Ako naman ang camera man niyo."


Tumango naman kami kay Rap.


"Bakit kaya 'yun ang topic na naisip ni Ma'am?" Tanong ko sa kanila. Baka sakaling makakuha ako ng ideas from them. Mas maganda ding makakuha ako ng idea sa kanila, hindi lang sa akin para mas maganda ang kinalabasan.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon