Chapter 1 - Key Chain

382 7 0
                                    



Prologue

"Kailan ka ba magkaka in a relationship anak? Hinihintay ko 'yung status mong ganun sa FB."

"Ma, hinihintay ko pang magkatototoo ang mga fictional characters na lalake sa mga books na binabasa ko bago ko gawin 'yang sinasabi mo."

"Ma, hintay lang ah? Pero wala pa talaga 'yan sa isip ko. Mas okay pang maging single kesa magka girlfriend. Sakit lang 'yan sa ulo."


CHAPTER 1


Key Chain


Bakit ganun? Lahat na lang na pinapadala niyang book sa akin, malungkot ang ending? Masaya ang simula pero sa ending, malungkot. Kung hindi namamatay ang bida, hindi naman sila nagkakatuluyan. Minsan pa, open ended story. Lagi na lang ako pinapaiyak at pinapahula ng mga nangyayari.


"Bakit ganun 'yung story? 'Yun na ata ang pinakamalungkot na story na nabasa ko." Sabi ko habang nakatitig sa aquarium ng isang shop.


"Andrey? Pati ba naman isda, kinakusap mo? Tara na nga." Sabi ni Ate Sapphy sabay hila sa akin.


Asan nga pala ako? Ay, oo nga pala. Pinilit nga pala ako ni Ate na sumama sa kanyang magshopping kahit hindi ko naman hilig. Lagi na lang daw kasi akong kulong sa kwarto ko kasama ang mga mahal na libro ko. Mas gugustuhin ko pa 'yun kesa mapagod sa kakalakad dito. KAso mahal ko ang Ate ko kaya sumunod na lang ako sa kanya.


"Saan naman tayo ngayon Ate?" Tanong ko sa kanya habang hila hila niya pa rin ako.


"Sa shop nila Ate Raffy mo."


Naging excited naman ako nang marinig ko 'yun. Gustong gusto ko sa Japanese Shop nina Ate Raffy kasi andaming cute stuff doon. Kung pupunta man ako sa Mall na ito, doon ako unang pumupunta. Ang cu-cute kasi ng mga gamit ng mga Japanese. Imported pa from Japan kaya nga Japanese Shop eh.


"Hi Raffaela Singkit!"


"Hello Sapphire!"


Sigaw nila sa isa't isa saka nagbeso. Girls. Parang di rin naman ako babae pero, sila kasi parang di nagkita ng ilang taon tuwing nagkikita sila. Araw-araw na nga silang magkasama, pero excited pa rin silang makita ang isa't-isa. Best friends eh. Magkalapit lang ang bahay namin, halos limang bahay lang ang pagitan at nagbibisitahan pa sa bahay pero eto. Sabagay, I'll never know kasi wala naman akong best friend.


Nagchikahan muna sila at ako naman naglibot sa shop nina Ate Raffy. Nakakadiscount din kami dito kaya maganda din.


Nakakita ako ng keychain. Mga cute lang naman na bagay ang nakakaakit sa mata ko kaya agad ko itong nilapitan. Keychain na mukhang magkapair sila kasi sa isang balot, may babaeng doll na keychain na naka hold sa lalaking doll na keychain.


Agad ko itong kinuha. Naglibot pa ako. Nakikita din ako ng handkerchief. Ang maganda din sa shop na ito, may mga bagong dating every week. Every week mas nadadagdagan ang mga cute stuffs dito.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon