Let Me Know Chapter 45
Whalien Pt. 2
Nagmadali akong lumabas ng room. Baka kasi maabutan ako ni Ace, mahirap na. Para akong may nagawang kasalanan sa ginagawa ko. Ayaw ko kasing magkwento sa kanya.
Pababa na ako ng 2nd floor nang may umakbay sa akin.
"Tumatakas ka ba?"
"Ah..h-hindi. Nagmamadali lang ako kasi magrereview pa ako. Ah..hindi, may bibilhin lang ako libro." Palusot ko. Napakagat naman ako sa lower lip ko. Ang galling mo talagang magsinungaling Andrey.
"Ohhh? Talaga? Naniniwala ako Andrey." Umakto naman si Ace na parang naniniwala siya. Napatakip pa siya ng bibig niya parang nabibilib. "Magkwekwento ka sa akin, dahil kung hindi, ililibre mo ako ng kwekkwek. But, maghihintay ako hanggang ready ka nang magkwento sa akin. Promise." Tinaas niya pa ang kamay niya. "Hindi ko ikwekwento sa iba."
Hanggang sa paglabas namin ng school, nagtatalo pa rin ang isip ko kung ikwe-kwento ko ba sa kanya. Hindi talaga ako sanay na maglabas ng thoughts ko sa ibang tao.
"Okay lang naman na magdrama ka sa akin. Pero minsan, alam mo, naiinip na ako kakahintay kung magkwekwento ka ba sa akin o hindi."
Napatigil ako sa paglalakad at ganun din siya.
"Ace." Kinakabahan ako. Pagsinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ko gustong itigil ang lahat ng to, baka masaktan siya.
"Magcoconfess ka na ba sa akin?"
Nabigla ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Joke. Binibiro lang kita." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko. "Magkwento ka na, ready akong makinig. Kahit ano pa 'yan, hindi kita ija-judge." Sabi niya sabay ngiti. Nakakacomfort ang mga ngiti niya.
Huminga ako ng malalim at nagkwento na nga sa kanya. Sa gilid pa talaga ng daan naisipan kong ikwento sa kanya. Nakikinig lang siya. He didn't even interrupt me. Nakatingin lang siya sa ground.
"And...you did that because you like him." Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin. "Hinihintay ko lang naman na aminin mo 'yan sa sarili mo. Imposibleng walang mahulog sainyong dalawa." Ang seryoso ng tono ng boses niya. "Ouch Andrey!" Sabi niya sabay hawak sa bandang puso niya. "Kaya binusted mo ako eh."
Hindi ako mapakali dahil sa sinabi niya. "Sorry Ace. Sorry talaga."
"Nagbibiro lang ako." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. "Libre na lang kita ng ice cream. Ayos sa mga broken hearted ang ice cream."
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?