Chapter 47 - Stranger

21 2 1
                                    


Let Me Know Chapter 47



Stranger


Parang ganun, sa larong hide and seek, ako 'yung taya talaga. Naghahanap ng sagot galing sa taong 'yun. Hindi mo ba alam kung mahahanap mo pa ba siya, kung mahahanp mo ba 'yung sagot sa kanya.


"Andrey! Last scene na!" Sigaw sa akin ni Nina habang nakasandal ako sa isang puno at nakapikit. Break kasi namin kanina kaya namahinga akong mag-isa dito. Ano na naman bang kadramahan ko?


Tumayo ako saka pinagpag ang pants ko. Last scene kung saan tatakbo kami habang nakangiti. Finally, be able to love ourselves.


"Ganito ha, ang angulo galing doon. Basta alam mo na 'yan. Marunong ka naman." Pagpapaliwanag ni Rap kay Dice.


Silang dalawa ni Dice at Ken ang dumating kanina dito. Kailangan raw kasi ni Rap ng tulong ni Dice. May kaalaman naman kasi sa ganito si Dice. At talagang kailangan namin ng extra tao dahil ang scene na ito ay kaming lima, walang kukuha sa amin. Kaya siguro sumama itong si Ken dahil alam niya ang daan papunta rito. Syempre, best friends sila kaya nakapunta na rin siguro sito si Ken.


Pumwesto naman kami sa starting point.


"1, 2, 3!" Sigaw ni Rap. Tumakbo na kami while smiling. Para bang music video lang ang shinoshoot namin ngayon.


"Cut!" Sigaw naman ni Ken. Natatawa pa siya habang sinasabi 'yun. Ano ba Andrey, ba't mo siya tinitignan?


"Wooh! At last!" Sigaw ni Jun at isa-isang nakipag-apir sa amin. Nagulat pa nga ako doon eh.


"Aira! Kumain na kayo, lagpas tanghali na oh." Medyo nagagalit na si Lola. Kanina pa kasi siya nagyaya sa aming kumain, kami naman itong mamaya na dahil gusto naming matapos ito.



Mga bandang 2 na kami nakapaglunch. Worth it ang gutom at pagod. Andaming inihain ni Lola para sa amin.


"Ganito talaga ako kung magluto lalo't nagagalak ako na may bisita kami. Bihira lang kasi kami magkaroon ng bisita dito." Sabi ni Lola sa amin.


"Ang sarap po ng luto niyo Lola. Pwede bang dito na ako tumira?" Sabi ni Dice.


"Aba! Pwedeng-pwede apo. Libre ang tubig at kuryente pero ang kwarto hindi." Pagbibiro ni Lolo. Natawa naman kami. "Ano nga pala pangalan mo apo? Bago ka lang sa aking paningin."


"Dice po nga pala. Kaibigan nila." Sabi ni Dice.


"Aba ke-gwapong bata." Sabi ni Lola.


"Oo Lola, pinagkaitan nga lang sa height." Sabi ni Ken na katabi ni Aira at katapat ni Nina. Nasa kaliwa ko naman si Nina at kanan ko naman si Jun. Katapat ko naman si Dice. Nasa magkabilang dulo naman si Lola at Lolo. Hindi na sila nakikain sa amin dahil nauna na silang kumain sa amin.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon