Chapter 58
Reflection
Dinilat ko ang mga mata ko. Puting kisame. Pink na pader. Ah, nasa kwarto ako.
Napaupo ako at hinawakan ang noo ko. Anong nangyari sa akin?
Tumingin ako sa side table sa gawing kanan ko.
"6?" Tumingin ako sa bintana. Umaga na? "6 AM?"
Doon ko narealize na umaga na pala. Agad akong bumangon at naligo. Inayos ko din ang gamit ko. Anong araw na ngayon? Oo nga pala, ngayong araw na ang exam ko.
"And--" Sabi ni Ate na biglang binuksan ang pinto ng kwarto ko.
Habang ako busy pa rin mag-ayos ng gamit. Nilapag ko sa bed ang mga gamit na kailangan ko before the exam.
Lumapit naman sa akin si Ate. "Andrey, magpahinga ka nga muna." Sabi niya.
"Ate, hindi pwede, exam ko ngayon. Hindi ako nakapagreview kahapon dahil--" Napatigil ako nang marealize ko kung ano ang nangyari kahapon.
Hinawakan niya ang wrist ko. "Magpahinga ka nga muna. Almost 1 week ka nang walang maayos na tulog. Mapapagpabukas pa naman yang exam mo."
Humarap ako kay Ate. "Hindi Ate, kailangan ko to. Ngayon lang 'to." I smiled at her para massure siya na okay lang ako, na kaya ko 'to.
Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. "Nakahanda na baon mo sa baba, kunin mo na lang bago ka umalis." At humiwalay siya sa yakap. "Pag-uwi mo dito dapat sigurado nang Valedictorian ka ha?"
Pagkasabi niya nun, ako naman ang yumakap sa kanya. "Thank you Ate."
Alam kong naiintindihan ako ni Ate kaya di niya na din ako pinigilan. Alam niyang ngayon lang ako naging ganito. Ganito kacompetitive. Kahit na madami na akong contest na sinalihan, never akong naging competitive. Matalo, okay lang. Manalo, eh di mas ayos. I am so blessed to have a Sister like her.
Dali-dali na akong bumaba at kinuha ang lunch box na nasa Dining Table.
"Andrey, kumain ka muna." Sabi ni Mama na nasa Kitchen.
"Okay lang po Ma, alis na po ako. Love you Ma!" Agad din akong lumabas nang bahay.
Hindi ko alam bakit excitement ang nararamdaman ko na dapat ay kinakabahan ako. Parang first day of school ang feeling, parang pasado na ako sa nararamdaman ko.
"Hello po!" Bati ko sa guard. Nagulat siya sa pagbati ko kaya binati niya din ako.
Tumakbo ako papunta agad sa Principal's Office. Dito kasi ako mag-eexam.
Nang makarating na ako sa harap ng Office, huminga ako nang malalim. Kahit na masama ang pakiramdam ko kahapon, para akong nabuhayan ngayon.
Kumatok ako saka pumasok.
"Good Morning po." Bati ko.
"Oh, Miss Lopez? Hindi ba dinala ka sa Clinic kahapon? Nakiusap sa akin ang Mother mo na imove ang exam dahil mukhang di ka raw okay."
Umiling ako sa sinabi ni Miss. "Hindi po, ayos na ayos po ako."
She smiled at me. "Ready ka na?" Tanong niya. Tumango ako nang masigla.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?