Chapter 25 - House of Cards

41 4 0
                                    

Let Me Know Chapter 25



House of Cards



Maaga akong nagising. Dahil sa panaginip ko. Bakit ganun, dati wala naman si Ken sa panaginip ko pero kagabi, andun siya. Ang weird nga kasi, nagdadate daw kami tapos nakaupo kami sa bench habang tinitignan ang sunset. Tapos ayun, nagising na ako. Hindi lang kasi ako makapaniwala na ganun ang panaginip ko. Hinding hindi 'yun mangyayari sa totoong buhay. Imposible.


At dahil maaga akong nagising, maaga rin akong pumasok ng school. Tatlo palang kami sa room hanggang sa dumating si Aira. Di pa man niya naibababa ang bag niya sa upuan niya nang lumapit siya sa akin.


"Tutor ka pala ni Ken?" Bungad niya sa akin. Nakangiti siya habang tinatanong ako.


"Ah, oo." Sagot ko naman.


"Ah, nagkasalubong kami kanina eh. Sinabi niya sa akin."Then she paused. "Pwede din namang sabihin sa akin ni Tita na ako na lang eh. Hahaha. Pero okay lang. Sige." Pagkasabi niya nun, naupo na siya sa upuan niya.


Oo nga, pwedeng si Aira na lang. Kaso nga lang di ba, ako kasi yung ganun. Basta yung ganun. Hay. Imbles na ako lang magrereview sa sarili ko, may kasabay pa ako magreview. Hindi naman kasi ako sanay na may kasabay magreview.


3 days na lang, exam na namin, kaya simula ngayon, nagtatake down na ako ng mga irereview ko. Lunch break nun, bumili muna ako ng pagkain ko sa canteen saka dumiretso sa Green Garden para magreview. Takas muna ako sa apat na 'yun.



Nakaupo ako sa bench nang maglanding na eroplanong papel sa may paa ko. Tumingin tingin pa ako sa paligid baka sakaling may iba pang tao sa paligid ko na siyang nagpalipad ng airplane na'to. Kaso wala eh. Pinulot ko ito. Halatang may nakasulat sa loob ng paper airplane na 'to dahil may guhit sa may papak nito. Binuksan ko naman. "Wag masyadong seryoso. Fighting!" Sabi sa sulat. Sino naman nagulat nito? Napatingin ulit ako sa paligid, wala talagang tao. Baka naman minumulto ako? Sa katanghalian at dito pa sa Green Garden talaga?


Bumalik na ako sa room nang magring ang bell. Pero bago pa 'yun, pumunta muna ako sa locker para kunin ang ibang book ko. Pagbukas ko ng locker, isang styro foam ang bumungad sa akin na may sticky note pa. "Hindi ka naglunch. Masama 'yan sa pagrereview." Sabi sa note. Wala itong pangalan. Same penmanship sa paper airplane kanina. Sino naman kaya 'to? Kinuha ko muna ang book ko at iniwan ang nakastyro na food. Ang weird lang kung sino man 'yun.


Pagpasok ko ng room, nagwawala ang mga kaklase ko. Hindi ko ba alang kung nasa higher section ako o ano dahil sa asta nila.


"Wala si Ma'am sa second subject natin!" Sigaw nung isa. Paulit ulit pa siya.


Hindi naman halatang excited sila. Sabagay kasi, every day, nagbibigay ng quiz ang teacher naming na 'yun. Kaya kailangan din, every day kang magrereview.


Natigilan naman sila nang dumating ang teacher namin sa first subject naming ngayong hapon. Nagsibalikan sila sa dati nilang katinuan. Buong klase, iniisip ko pa rin kung sino ang gumagawa ng notes na 'yun. Buti na nga lang at nakikinig pa rin ako kay Ma'am kahit na occupied ang utak ko.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon