Let Me Know Chapter 24
Begin
"Yaaah! Namiss ko simoy ng hangin sa lungsod!" Sigaw ni Claine nang makababa kami ng sasakyan. Nabatukan tuloy siya ni Mamita dahil sa ingay niya.
"Kakababaeng tao eh!" Singhal niya kay Claine.
Natawa naman ako ng bahagya. After ng bakasyon, normal life na naman. Yung dare naming, nagawa namin. Si Dice nga ang naghugas. Nasabihan pa siya ng mga lola na ang sipag naman niya. Di naman kasi nila alam na dare lang pala 'yun.
After naming makababa ng sasakyan, ang mga lalaki na ang nagbuhat ng gamit sa loob. Mas maraming bitbit nga lang ngayon dahil sa mga pasalubong. Lalo na si Ate. Andami niyang nabili for her business. Mga crafts at kung ano ano pa. Ganun din si Aira na sumabay sa amin sa pag-uwi. Mahilig kasi sya sa arts kaya marami ding binili.
Nang mabuhat ko na 'yung ibang gamit ko, hinila naman ako ni Ace sa gilid ng gate. Nagulat pa ako. Ngingiti ngiti siya ng malawak sa akin.
"Oh." Sabay bigay niya sa akin ng Key Chain na Butterfly. Maganda siya.
"Para saan 'to?" Tanong ko sa kanya at kinuha naman ito.
"Ah, baka pwedeng ilagay sa susi, o kaya naman sa phone kasi key chain di ba?" Tumawa siya. "Binili ko lang doon sa stop over natin kanina. Ang cute di ba? Sa'yo na 'yan."
Tumingin ako sa kanya. Medyo may pagkaweird siya ngayon. Bakit niya naman ako binibigyan ng ganito? Naalala ko na naman. Ng dahil sa key chain nangyari ang lahat. Mapapatawa na lang ako.
"Salamat." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Baka kasi kung ano ano lang naiisip ko.
"Hala! Ngumiti ka!" Sigaw niya kaya napatingin ang tatlong lalaki sa amin.
"Ikaw ha, sa'yo lang ngumingiti si Andrey." Sabi ni Dice kay Ace.
"Mapapangiti ko din 'yan." Singti ni Ken habang may binubuhat na karton papasok.
Bigla na namang may naramdaman ako na kung ano nung sabihin niya 'yun. Kailangan kong alisin 'yun sa isip ko dahil hindi pwede. Baka naman kasi hindi naman talaga 'yun ang nararamdaman ko. Baka 'yun lang ang nakatatak sa isip ko.
After ng mga pag-aayos, kumain na muna ang lahat sa bahay bago nagsiuwian. Syempre, nagutom at napagod.
Nakahilata lang ako sa kama. Nakatingin lang sa kisame. Next next week na pala ang exam. Ngayon ko lang naramdaman na mas okay lang palang magbakasyon. Balik na naman sa dati. Pero ibang dati ito. Dahil balik naman sa dating pagkukunware.
I checked my facebook account. As usual, andami na namang notifications. I opened Blue's message for me.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanficWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?