Chapter 48 - Nothing Left To Say

39 2 6
                                    


Let Me Know Chapter 48



Nothing Left To Say




1 week na. 1 week na akong tambay sa library tuwing lunch. 1 week na din akong walang lunch at mag-eexcuse klase para bumili ng snack. Kapag madadaanan ko sila, aalis naman ako at ibang daan ang dadaanan ko. Magaling Andrey, andami mong nadadamay. Heto ka na naman bas a pag-iwas? Isang talent ang na-explore mo sa sarili mo.


Nakakatulong na din ang pagstay ko sa library total at malapit na exam. Tulad ngayon, nagsusulat ako ng reviewer ko.


Nagvibrate naman ang phone. Tumatawag si Blue. Agad ko nang inayos ang gamit ko bago ko ito sagutin. Palabas na ako ng Library nang sagutin ko ito.


"Ba't antagal mong sagutin ang tawag ko?" Bungad niya sa akin. Wala man lang Hello.


"Kakalabas ko lang ng Library eh. Bakit?" Tanong ko. Ang hirap naman na may tumatawag sa'yo tapos andami mong bitbit na libro.


"Ah, okay. Wala naman. Nangungumusta lang. Naglunch ka na ba? Alam ko na sagot diyan, hindi kasi iniiwasan mo sila. Masama 'yan Andrey." Sermon na naman niya. Alam niya talaga lahat ng ginagawa ko.


"Nagkita lang tayo kahapon, mangungumusta ka? Anong meron?" Pag-iiba ko ng usapan.


"Kita tayo mamaya ha?"


"Bakit?"


"Wala lang. Tutulungan kita magreview. May pitik ka sa akin sa noo kapag hindi tama ang sagot mo." Naalala ko naman. Napangiti ako sa sinabi niya. Noon kasi kapag nagrereview kaming dalawa, ganito ang process ng pagrereview namin. May parusa kapag hindi nakuha ang tamang sagot.


"Talaga lang ha?"


"Nanghahamon kana Andrey? Marunong ka na niyan?" Tumawa naman siya sa kabilang linya. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? "Oh siya, ingat ka na lang diyan, baka may maghabol sa'yo diyan mamaya, ingat ka na lang sa kanila."


Magtatanong pa sana ako kung anong ibig niyang sabihin nang binabaan niya na ako. Anong pinagsasabi niya? Baka pinagtitripan na naman niya ako.


"Tabi!" Nagulat ako nang may sumigaw. Boses 'yun ni Claine ah. Naguluhan naman ang mga students. Ang iba tumabi, ang iba hindi.


Agad naman akong naglakad palayo kahit hindi ko pa nakikita si Claine. Mahirap na, baka makita ko pa siya eh kung ano na namang sabihin niya sa akin. Napatakip na lang ako ng libro sa mukha para hindi niya ako makita or sakali man.


Nagulat ako nang may humigit sa wrist ko saka tumakbo. It's Dice.


Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon