Let Me Know Chapter 7
Yes No Yes?
"Oh ano? Napansin na ba nila? Nakita ni Ate Sapphy 'no?" Tanong ni Claine sa kabilang linya.
Pagkarating ko sa bahay, agad naman siyang tumawag.
"Oo." Inipit ko ang phone ko sa balikat ko dahil nag-s-sketch ako.
"Mukhang maganda ang plano." Sabi niya at tumawa pa. Napabuntong hininga naman ako.
"Alam mo, marami tayong masasaktan sa ginagawa nating ito. Marami tayong naloloko." Sabi ko naman.
"Hindi. Ito ay isang kasinungalingan na kapag nagawa na natin lahat, mababaon lang sa limot. Kaya chill ka lang pinsan. Hintayin na lang natin ang mga susunod na pangyayari. Sige na. inaantok na ako. Sinigurado ko lang na nakauwi at pinauwi ka sainyo ni Ken. Hahaha." Then she ended the call. Napatingala na lang ako at nakatingin sa kisame. The start. Hay.
Kinabukasan...
As usual, tumatambay na naman ako sa canteen with my book. Tahimik ang buhay ko habang nagbabasa, kasama ang mga fictional characters na tanging sa utak ko lang nag-eexist. Araw araw ganito. Normal na sa akin ang ganitong routine. Kaso, mukhang ngayon, maiiba na ito.
May limang tao ang lumapit at nakiupo sa table ko.
"Yow Andrey!" Bati ni Dice sa akin. Tinanguan ko lang siya habang nagbabasa ako.
Binaba ni Claine ang book ko. "Hey!" Sabi ko naman.
"Konting respect. Andito kami. Pansinin mo naman kami." Napatingin ako sa kanila. Nakangiti si Ace at Dice sa akin maliban kay Clay at Ken na kumakain. Nakikikain na rin pala sila sa table ko ngayon?
"S-sorry." Sabi ko nalang.
"So next plan, make over." Nakangiting sabi sa akin ni Ace.
"Make over?" Tanong naming nina Ken at Clay.
"Kailangan mong maglevel up Andrey. Kailangan mong magpaganda. Para naman di mabash kayong dalawa ni Kendrey."
"Ayaw ko." Sabi ko na lang habang napo-pout.
"Insan." Inakbayan ako ni Claine. "Sinasabi ko sa'yo, kailangan mo nang mag-ayos dahil dalaga ka na."
"Eh bakit ikaw?" Tanong ko naman sa kanya. Hindi siya nakaimik.
"Ehem." Naupo siya ng maayos. "Binata ako."
"Basta ayaw ko."
"Wala kang magagawa, pumirma ka doon sa papel na 'yun. Wag mong sabihin na hindi ka marunong tumupad sa usapan?" Sabi ni Clay sa akin. Itong taong 'to, kapag nagsasalita, nakakatakot. Siya ata ang may sense magsalita sa kanilang lahat. 'Yung tipong mapapaisip ka talaga.
Napalunok naman ako. Ayaw ko talaga. I'm fine with my face and my appearance and all. Big eye glasses, the girl who always wear over sized clothes. Yung shorts na dapat hanggang tuhod lang. laging naka bun ang hair. Okay na ako sa sarili kong ganun.
"'Yung type na, you're worth the date." Umayos ng upo si Dice. "We're not judging you Andrey ha? But you really need this. You need to level up. Kasali 'to sa plan."
"Hindi kaya maggastos? I mean, ang gastos naman ng mga pinagpaplano niyo." Reklamo ko naman.
"Okay lang naman. Wala lang sa amin ito. Ang astig nga dahil bagong adventure ito para sa amin." Sabi ni Ace.
Oo, wala lang sa kanila dahil mga rich kid sila. Mga magulang ba naman nila, business man, magkakapartners pa ang magulang nila sa business. Well, ako, may kaya naman, kaso ayaw kong maging magastos sa lahat ng non sense things.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?