Chapter 18 - Skit

39 4 0
                                    


Let Me Know Chapter 18


Skit



1 message received.


"Anak, please be ready later after your class.. Wear your formal attire, okay? We just discussed about the formal meeting natin with the family of Ken. O my gosh. I'm so excited. See you later at 5 Star Hotel's restaurant. Love you Andrey. (insert kiss emoticon)"


Napanganga ako sa nabasa ko. Seryoso. Kaninang good mood ako kasi nakakuha ako ng perfect score sa surprise quiz kanina tapos ngayon napalitan ng kaba. Kailangan ko na ata magpacheck up madalas na akong kabahan sa pangyayari sa buhay ko. Hindi naman ako umiinom ng kape.


After ng text na 'yun, sunod sunod na text ang natanggap ko. From Ace, Dice, Clay and Ate. Malamang, tinext na sila ni Ken.


"Remember, 'yung mga script. Alam ko namang madali kang makamemorize." Text ni Ace.


"Halaaaa. Kinakabahan ako. Wala. Kaya niyo 'yan. Inhale exhale lang. Okay?" Text ni Dice.


"Good Luck." Sabi naman ni Clay. Ano pa nga ba?


"What time uwian mo? Susunduin kita. Kailangan maganda ka mamaya. Magpapractice pa tayo ng onti. Magreply ka. Asap! Kung wala kang load, loloadan kita." Text ni Ate.


And ang sunod na text na nareceive ko ay galing sa Globe. Maganda pala kapag may emergency na ganito, hindi kuripot si Ate. Libre pa ako ng 100 na load.


Nagring ang bell hudyat na next class na. Kaso vacant naman kami. Ito ang pinakagustong oras ng mga kaklase ko eh. Kinuha ko naman ang book sa bag ko. Namiss kong magbasa. Ang busy ko naman kasi sa ibang bagay hindi ko na nakukuhang magbasa. Baka mamiss na ako ng mga fictional characters dito.


"Andrey, may naghahanap sa'yo." Kinalabit ako ng kaklase ko.


"Sino raw?" Tanong ko naman habang nakatingin sa librong binabasa. Malapit na sa climax 'yung binabasa ko eh kaya nakakaexcite.


"Boyfriend mo."


"Ha? Eh wala naman—" Napatigil ako sa pagsasalita at pagbabasa nang marealize ko 'yung sinabi niya. Oo nga. Muntik na madulas. Tinignan niya lang ako with nagtatakang look.


"Ah, s-sige." Sabi ko naman at tumayo na papunta sa may pinto.


"Talaga? Wow." Rinig kong nag-uusap sila ni Aira.


"Oh, Andrey." Sabi ni Ken nang mapansin niya ako.


"Sige, maiwan ko na kayo. Andito na pala girlfriend mo." Sabi ni Aira nang pabiro at umalis na.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon