Let Me Know Chapter 9
Announcement
"Oh." Sabi niya.
Nagkatinginan lang kami habang hawak hawak niya ang braso ko. 10 seconds. 10 seconds kaming nagkatinginan. Hindi naman 'yun titigan dahil kung titigan 'yun, mas matagal.
Nang magsink in lahat sa akin. Napatayo agad ako. Kaso muntik na naman ako madapa at naaalalayan naman niya ako. It's awkward. Ewan ko pero kinabahan ako nung makita kong siya ang sumalo sa akin.
"Oy, pare, andito ka na pala." Nasilapitan sa kanya ang mga kaibigan niya pero sa akin siya nakatingin. "Bakit?" Tanong ni Ace nang mapansin niyang sa akin nakatingin si Ken.
"Sino siya?" Tanong ni Ken.
Tumingin sila sa akin saka kay Ken. Papalit palit ang tingin nila sa amin. Tapos bigla silang natawa. Pati na rin si Ate. Ewan ko ba kung kanino sila natatawa, sa akin o sa kay Ken. Sa hitsura ko ba o sa tanong ni Ken.
"Grabe ka naman magjoke Ken." Sabi ni Dice na nagpupunas pa ng luha sa gilid ng mata niya.
"Seryoso, sino siya? Kapatid niyo ba Ate Sapphy?" Inosenteng pagkakatanong niya kay Ate. Seryoso nga siya. Hindi nya ako nakilala?
I heard Ate smirked. "Si Andrey 'yan."
"Weh?" Napatingin sa akin si Ken.
Tinignan ko lang siya na para bang di ako makapaniwala na di niya ako kilala. "G-grabe ka naman." Sabi ko na lang sa kanya.
Nanlaki ang mata niya. "Pagkakaalam ko, hinding-hindi siya papaya na maalis ang eye glasses niya sa mata niya. Pero dahil sa narinig ko na ang boses mo, confirmed na ikaw nga 'yan."
Siniko siya ni Ace. "Uyy, kilalang kilala niya na si Andrey."
"Nakasulat ata 'yun sa Slam Note or something. Naalala ko lang. Tara na nga." Pagyayaya niya. Nauna pa siyang lumabas sa amin.
Napacross arms si Clay. "Seryosos? Wala lang sa kanya ang make over mo? Walang epekto sa kanya? Di lang siya naniwala na ikaw nga 'yan."
Tinapik siya sa braso ni Claine. "Well, it's Ken. Ano pa bang inaasahan mo? Parang ikaw lang 'yan, hindi interesado sa girls."
Pinagtaasan lang siya ng kilay ni Clay. Natatawa naman ang dalawa. Si Ace at Dice.
"Hoy, tara na." Nauna na pala sa amin si Ate.
Sumakay na kami sa kotse nina Ken. Driver nila ang nagdrive sa amin. Habang on the way kami, ang gugulo nila. Nakikigulo na din si Ate. Nag-aasaran sila kung sino ang mas gwapo. Nakikisali pa si Claine. Kaming tatlong babae ang nasa bandang unahan. Nakapwesto naman ako sa may bintana.
"Andrey, sino ba mas gwapo sa amin? Ako o si Clay?" Tanong ni Ace sa akin na kinalabit pa ako.
Napatingin ako kay Clay na nasa shot gun seat. Napalingon pa siya sa akin at tinignan ako. Para bang death glare. Ang sungit talaga ng isang 'to.
"Ah....?"
"Ako 'di ba? Sabihin mo ako."
"Ako." Sabi ko naman.
Napaface palm sila saka natawa. I saw Clay smirked. Natatawa siya pero pinipigilan niya. Sinabi naman kasi ni Ace na sabihin ko 'yun eh.
"Nice joke insan. Improving. Hahaha."
"Natuto na siya." Sabi naman ni Ate.
Natigil ang tawanan nang magsilata si Ken. "Manong, mapapasundo daw si Aira." Napatingin kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?