Let Me Know Chapter 39
One Night In A Strange City
"Atras pa. 'Yan, okay na." Sabi ni President sa mga classmate ko habang kinakabit ang board kung saan nakalagay ang pangalan ng Coffee Shop ng classroom namin.
Nag-ayos naman ako ng table at pinupunasan ang mga ito. Busy ang lahat ng tao sa room. Busy sila sa pagset up. Mukhang nakakaexcite din dahil first time ko lang din mag-attend ng Foundation Week. Ganito pala kahectic ang paghahanda. Halos buong students ng school ay nandito para mag-ayos.
Nahuli ko namang nagbabangayan si Rap at si Aira. Dahil sa kung anong kulay ng apron ang babagay sa uniform namin. Magsisilbing waiter at waitress kasi ang iba. Ang iba naman, magpeperform sa mini stage namin lalo na 'yung maalam sa pagkanta at pagplay ng instruments. Ang iba naman, inaaral na ang recipe ng mga cakes, coffee at frappes.
Mga bandang 4 PM, naexcuse na ang lahat dahil ang buong klase namin ay kasali sa sayaw na ipeperform namin sa Foundation Week.
I don't know pero parang okay na din sa kanila ang pag-iwas ko. Bihira na din nila akong kulitin. Si Ace naman, lumalapit din sa akin pero maya-maya naman ay gumagawa ako ng excuse para hindi sila makausap.
Nagsimula naman kaming magpractice. Buong practice, hindi ako kinausap ni Ken. Hindi kami nag-iimikan. Medyo masakit sa part ko kasi parang pakiramdam ko galit siya sa akin or something like that. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik or ganito ang aura niya. Kadalasan naman nagsisimula siya ng topic pero ngayon, iba. Hinayaan ko na lang ito. Siguro dahil sa alam niyang ginusto ko din naman ito.
The practice went well. Dumating pa nga si Blue at nagdala ng meryenda para sa amin. Dinumog naman siya ng mga classmate ko. Iba talaga kapag rich kid. Kinakausap din siya ng iba kong classmate na babae. Puro jokes naman ang lumalabas sa bibig niya. Ang iba nakakatawa, ang iba eh...di ko na alam.
Naupo lang ako sa gilid at hindi na nakipagsiksikan sa kanila. Nagulat na lang ako nang bigyan ako ni Ken ng sandwich na galing sa dala ni Blue. "Meryenda." Sabi niya pa. Tinanggap ko naman ito. Umalis din siya kaagad. Si Ace naman, nagbigay ng juice at naupo pa sa tabi ko.
"May sakit ka pa ba? Iba ata ang aura mo sa mga nakalipas na araw." Sabi niya habang kumakain.
Napayuko lang ako. Hindi ako umimik. Binuksan ko lang ang sandwich at nagsimulang kumain. Para naman wala akong masabi.
After ng practice, naiwan ang mga kasali sa Dance Club dahil kailangan pa nilang magpractice para sa contest nila.
"Pupunta ako sa Foundation niyo." Sabi ni Blue habang nagmamaneho. Nakatingin lang ako sa window the whole ride.
"Ah, okay." Sabi ko na lang.
"Pati ba naman sa akin ganyan ka na makipag-usap." Umiling-iling siya. "Alam mo bang nababahala sila sa kinikilos mo? Pati ako tinatanong nila kung anong meron sa'to or baka meron ka lang."
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?