Chapter 60 - The Truth Untold
Napakuyom ako. Galit? Selos? Ano ba dapat maramdaman sa nakikita kong ito? Sakit?
Wala namang kami eh. Wala talaga. Ang meron lang naman ay itong nararamdaman ko. Itong nararamdan ko sa kanya, if pwede ba or hindi. Matagal ko na dapat itinatak sa utak ko na ako lang, ako lang yung may nararamdaman sa kanya. Pilit kong dinedeny sa sarili ko na hindi ko siya gusto, na iba lang itong nararamdaman ko.
Pero ngayon, dahil sa nakita ko, naiintidihan ko na kung ano talaga nararamdaman ko sa kanya.
I love reading love story books. But I really don't know the real feelings kapag ako na mismo ang nasa situation ng mga characters sa binabasa ko.
So ito? Ito pa talaga ang nagpaintindi sa akin.
"Masakit pala."
Dinig kong sabi ni Dice na nasa likuran ko na pala. Agad kong pinunasan ang pisngi ko na may muntik nang mahulog na luha galing sa mata ko bago ko nilingon si Dice.
Humiwalay si Ken kay Aira pero bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya ito tinulak ng malakas dahil alam niyang anytime matutumba na ito. Nakatingin siya kay Aira na parang walang kamalay malay sa ginawa niya.
Nakatingin lang din si Dice sa dalawa. Malungkot ang mga mata niya.
"Hmm, ano, may nagbago ba sa nararamdaman mo sa akin?" Tanong ni Aira kay Ken.
Hindi siya sumagot. Inalalayan nalang ni Ken si Aira at nagsimula na silang maglakad papalayo sa amin.
Bakit di siya sumagot?
Nakatingin lang kaming dalawa ni Dice sa dalawang tao na papaalis sa pwesto nila kanina.
Dice gave me a bitter smile. "Alam ko naman eh, na si Ken talaga ang gusto niya. Ako lang naman itong pinagpipilitan ang sarili sa kanya." Napatingin siya sa taas, halatang pinipigilan ang luha niya. "Parang sinampal sa akin na hindi talaga." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.
Alam kong lasing si Aira and it's possible na hindi niya sinasadya 'yun pero wala eh, nakita na ng dalawang mata ko. Nagkaroon ng impact yun sa nararamdaman ko at sa nararamdaman ni Dice.
"Sige, pasabi na lang kay Blue na nauna na ako. May inasikaso lang. Ikaw na dumahilan Andrey." Sabi ni Dice. Tumango lang ako at naglakad na siya. Mahahalata mong gusto niya talagang umiyak kaya umalis na siya agad.
Ako? Gusto ko din umiyak. Oo, tama si Dice, masakit pala. All this time, hindi ko alam if ako lang yung may nararamdaman sa aming dalawa. Yung mga pinapakita niya sa akin noon, nagfa-flashback sa utak ko. Yung mga naging dahilan kaya nagkagusto ako sa kanya. Yung naging dahilan kaya ako nasasaktan ngayon.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?