Let Me Know Chapter 51
Nothing Like Us
"I want to invite you to the Prom but I know it's forbidden." Note na nakalagay sa isang box. "I want to show you how much I care, how much I like you, but I can't. Everything is very complicated. I'll just keep this feeling until it's gone. But I know that is impossible."
"Ace."
Ramdam ko 'yung sakit ang lungkot sa sulat niya. Ito 'yung handwriting na ginamit niya nung nagsusulat siya sa sticky notes tapos ididikit nya sa locker ko.
Yung pangalawang box naman binuksan ko. Chocolate na hugis butterfly at may nakasulat na A sa gitna. Mukhang personalized pa. May note din na nakalagay.
"A for Andrey, A for Ace. Di ba, bagay na bagay. Sorry. Ganito talaga ako kacorny." It made me smile.
At sa pangatlong box. Necklace na may butterfly na pendant.
"Gusto ko sanang isuot ito sa'yo. Kaso hindi pwede." May smiley pa.
Napabuntong hininga ako. Life is very complicated. 'Yung gusto mo, hindi ka gusto. Gusto mo, hindi naman pwede. Andaming struggles sa buhay bago mo makuha ang gusto mo. Dahil hindi lahat ng bagay ay madali.
Kung hindi lang siguro ang babaeng gusto ni Ace at ganito ang nangyari sa kanya, I would like to comfort him hanggang sa maging okay na siya, kaso hindi eh. Nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako kasi hanggang kaibigan lang tingin ko sa kanya at alam ko ang pakiramdam na hindi pwede, na mawalan ka ng pag-asa.
Sa lahat ng gift na natanggap ko for Valentines, ito lang ang inuwi ko. Hindi ko man alam kung sino ang nagbigay nito pero ito ang kinuha ko.
D-Day
"Insan, balak mo bang iwan na naman bang dito ang mga 'yan?" Tanong ni Claine habang nakapameywang siya. Vacant naman namin at medyo busy ang ibang officers sa pag-aayos ng Gym kung saan ang venue ng Prom mamaya kaya heto siya, nakapasok sa room namin.
"It tripled. Parang kahapon lang, dalawang table lang ang sakop niyan, ngayon five tables na." Sabi naman ni Rap habang kumakain ng lollipop.
"Uhmm, ano bang magandang gawin sa mga ito?" Tanong ko naman sa kanila. Seryoso, hindi ko alam ang mga gagawin sa mga ito. I like sweets pero not this too much. Masakit sa lalamunan at nakakahiya namang iuwi to lahat. Nakakahiya din namang tanggihan ko ang mga ito. "Gusto niyo?" Sabay kuha ko ng isang box ng ferrero at inalok ito kay Rap at Claine.
Isang malawak na ngiti ang natanggap ko galing sa kanila.
"Matalino ka talaga eh no?" Kinapa niya ang bulsa niya at nilabas ang phone niya. "Tawagan ko lang ang mga 'yun para may katulong kami sa paglamon."
"H-ha?" Tanong ko. Bigla akong naaligaga. So pupunta dito si Ken? Tapos si Ace? Teka, awkward ata. "W-wag na." Pipigilan ko sana siya kaso late na.
"Hi Clay. Hoy! Sumagot ka! Minura pa ako. Sige di kita aayain, sila na lang. Pasabi pumunta sila dito sa room nina Andrey. Lalamon tayo ng librengcake at chocolate. Bilis! Bahala ka! Eh di wag ka sumama! He!" At binabaan niya si Clay. "Bastos talaga 'yun." Sabi ni Claine sa phone niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Di pa 1 minute, nasal abas na sila ng room. Ganun sila kabilis pagdating sa pagkain at sa libre.
"Wow, andami naman neto Andrey. Isa ka ngang sweetheart ng school." Namamanghang sabi ni Dice.
"Bilib na ako kay Andrey. Pano ba 'yan, siya ang panalo sa taong 'to." Casual na pagkakasabi ni Ace na para bang wala siyang binigay sa akin. Binigyan ko lang sila ng tipid na ngiti.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?