Chapter 21 - Good Day?

45 4 0
                                    


Let Me Know Chapter 21


Good Day?



"Hindi mo pa rin ba ako naalala? Ako kaya 'yung best friend mo noon." Sabi ng lalaki. Andami niya nang sinabi na ibidensya pero wala akong maalala. Bihira lang kaming magbakasyon dito kaya di ko na maalala kung sino ang mga naalala ko dito. Tsaka, si Blue lang ang kilala kong lalaki. Wala din akong mga best friend na 'yan dahil hindi ako pala kaibigan.


Lumapit siya sa akin. "Nagpapatulong ako sa'yo noon kay Arissa. Tinutulungan mo akong kumuha ng mga santan sa bahay nina Aling Ysa. Tapos ikaw naman magbibigay nun kay Arissa."


Tinignan ko ulit si Claine. Pula na din ang tenga niya. Naririnig niya 'yung pambabae niyang pangalan eh.


Inaalala ko pa talaga. Santan. Hmm. "Santan!" Sigaw ko sa kanya. Napatakip naman ako ng bibig. Pati ako nabigla sa sigaw ko.


Naalala ko na. Santan nga pala tawag ko sa kanya noon kasi ayaw niyang sabihin pangalan niya. Nakita niya lang ako sa balcony ng kwarto namin noon. Gusto niya pala makita si Claine noon kaso nakita niya ako. Tapos ayun, nagpakilala ako na pinsan ni Claine. Crush niya raw si Claine. Grade 3 palang kami noon. Pero hindi ko siya tinuturing na best friend. Siguro para sa kanya, oo.


"Ibang-iba ka na ngayon ah. Parang noon lang may eye glasses ka pa." Sabi niya sa akin. I gave him an awkward smile. Kahit na close kami noon, hindi ako comfortable ngayon.


"Kita niyo, parang noon, maliliit pa kayo, ang lalaki niyo na." Sabi ni Lolo Polo. 'Yung care taker ng bahay na ito. Apo niya pala itong si Santan.


"Oo nga. Kaya pwede nang ligawan si Arissa." Sabay tawa ni Mamita.


"Excuse me po." Asar na sabi ni Claine at pumasok sa kwarto. Naasar na siya. Ewan ko ba kung matatawa ako.


"Hay nako. Meron ata 'yun." Sabi ni Mamita sabay iling. "Oh siya, sa likod lang kami, maghahanda ng pagkain natin." At pumunta na nga sila sa likod. Sa labas daw kasi ng bahay kakain. Naiwan naman kami ni Santan dito sa bahay.


"Mataray pa rin pala siya hanggang ngayon. Parang noon lang din, babaeng babae siya, ngayon baliktad na." Sabi ni Santan.


"Ganun talaga, may pagbabago as time flies." Sabi ko naman. "T-teka, ano palang pangalan mo? Para hindi naman Santan itawag ko sa'yo."


"Ah, Miko nga pala." Sabi niya helding his hand to make a hand shake. Tinanggap ko naman ito.


"Mamita! Lolo! Tita! Tito!" Nagbukas naman ang pinto at bumungad sa amin sina Ace, Dice, Clay at Ken. Natigilan sila nang makita kami.Tapos nakatingin pa sila sa kamay naming dalawa? Tama ba ang nakikita ko?


"Andrey?"Agad silang pumunta sa tabi ko.


Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon