Chapter 17 - Coffee

29 4 0
                                    


Let Me Know Chapter 17



Coffee


"ANO?!" Sigaw nilang apat sa aming dalawa ni Ken. Oo, tatlo sila, nakisigaw na rin si Clay. Na siyang ikinagulat ko kesa sa sigaw nina Ace at Dice.


Nakaupo kaming dalawa ni Ken sa bench at nasa harapan naming ang apat na ito. Sinabi na naming ni Ken ang sinabi sa amin ng aming mga magulang. Nainform din pala siya. Maigi nang nainform na siya kesa wala ding siyang alam.


"I'm not ready for this. Sira ang plano." Sabi ni Ace na parang kinakagat ang thumb niya.


"Change of plans. Kailangan nating makaisip ng magandang plan." Sabi ni Dice na pabalik balik din.


"Kumalma nga kayo." Singhal ni Clay sa dalawa. Eh halata ding pati siya, kinakabahan.


"Back out na ako dito." Sabi naman ni Claine.


Lahat naman ata kaming andito sa Green House, kinakabahan sa turn of events. Di rin naming ineexpect ito. Biglaan at hindi naming napag-isipan na mangyayari pala ang ganito. Akala naming, wala lang sa kanila, na okay lang sa kanila na kami. Pero mali pala, they take it seriously na aabot sa meet the parents thingy.


Pagkasabi nila nun, nataranta kami ni Ate. Halos di ako makatulog dahil sa kaba. Kinakabahan kasi, hindi ko alam ang ganoong bagay, at kinakabahan na baka mabuking kami na hindi naman pala totoo ang lahat. Sabi ni Ate, easy lang daw 'yun. Oo, easy for her dahil napagdaanan na niya ito sa past and current boyfriend niya.


"Nakapagset na ba ng date?" Tanong ni Ace sa aming dalawa. Sabay kaming umiling. Wala pa naman silang nasasabi sa amin. "Kailangan niyong malaman kung kalian? Maliwanag?" Tumango naman kaming dalawa.


"Alamin niyo din kung saan? Para ready to back up kami kung may mangyari man." Sabi naman ni Dice. Tumango ulit kaming dalawa.


"Ah...wait." Sabi ko. Natigilan naman sila at tumingin sa akin. "Sabi ni Ate Sapphy, magpapameeting siya mamaya. Tutulungan niya raw tayo."


"Good idea!" Sabi ni Clay. "Buti naman."


After ng class naming napagplanuhang magmeeting. Tinext ako ni Ate kung saan. Coffe shop na malapit sa school. Tinext ko din sila.


"Andito na kami."


"Copy that. Tinext kami ni Ate Sapphy."


"Nagugutom na ako." Halatang si Claine ang nagtext nito.


"Oo. Alam ko."


"Yup."


Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon