Chapter 42 - Getaway

45 5 2
                                    


Let Me Know Chapter 42



Getaway



The result came out agad agad dahil agad nila itong chineck. Aaminin ko, kahit marami na akong contest na nasalihan, kinakabahn pa rin naman ako sa result. At ngayon, kasalukuyan itong ina-announce. Magkahawak kamay pa kami ni Miss. First time niya lang din ako i-coach kaya alam kong mas kinakabahn siya.


"Champion!" When they announced it, tumalon sa tuwa si Miss. Napatayo na din ako. Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa tuwa at dahil na din sa reaction ni Miss. Niyakap niya pa ako.


Umakyat ako sa stage para kunin ang Certificate ko. Nakipagkamay din ako sa mga matataas na officials ng school. Some of them know me but some of them, don't. Tuwang-tuwa din sila sa naging result. Umakyat din si Miss para din sa Certificate niya. Pati rin coach, kailangan parangalan.



After ng contest, walang tigil na nakatanggap ako ng mga text. Ang bilis naman nilang nalaman.


"Sa sobrang saya ko, na-i-gm ko na sa lahat ng teachers. Naipost ko na rin sa Fb." Excited na sabi ni Miss. Kaya naman pala. Ang bilis naman ni Miss. "At dahil diyan, kakain tayo. My treat." Hindi ko pa man nabubuksan ang mga message sa akin nang hilahin na ako ni Miss papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.


Napansin kong wala na ang mga members ng Dance Club. Baka nasa loob na sila. I pray for them n asana manalo sila. Hindi pa man din ako nakapagcheer sa kanila since occupied ang utak ko sa contest. Hindi man lang ako umimik kaninang chinicheer nila ako.


"You can order anything you want." Tuwang-tuwa na sabi ni Miss habang naniningin sa Menu Card.


Napatingin naman ako sa Menu Card. First time ko dito sa restaurant kung saan ako dinala ni Miss. Nang makaorder na kami, nagkwento naman sa akin si Miss about sa first time niyang magcoach. Una raw naghesitate siya dahil nagkatrauma raw siya nung bata siya about joining contests. Minsanan lang raw ang pagkakapanalo niya. Minsan nga second or third pa. Ako naman itong walang imik na nakikinig sa mga kwento niya.


Hinatid naman niya ako sa bahay. At agad kaming sinulubong ni Ate. Mukhang kanina pa siya sa labas dahil mismong pagdating namin, nakatambay siya sa labas.


"Thank you po talaga Miss. Thank you so much." Sabay bow pa ni Ate.


"Wala po 'yun. Thank you rin for raising Andrey to be an intelligent kid." Sabi naman ni Miss.


Medyo napahaba pa ang usapan at compliment'an nilang dalawa. Nagpaalam naman akong papasok na ako sa loob dahil napagod ako kakapuga sa utak ko kanina.


Agad akong sumalpak sa kama ko at nakatingin na naman sa kisame. Nagulat na lang ako nang may tumawag sa akin. I was expecting Blue pero hindi pala, an unknown number. Wala rin akong natanggap na kahit anong pangche-cheer from him earlier. Siguro, he felt bad pa rin dahil sa nangyari.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon