Let Me Know Chapter 8
New Girl in Town?
"Woah!" Bungad sa akin ni Ate pagkarating ko sa bahay. "Kapatid ba kita? Ikaw ba 'yan Andrey? Nagparetoke ka ba?" Sunod sunod na tanong niya sa akin. Tinignan ko lang siya. Wala akong masabe sa Ate ko eh. Malakas makapang-asar.
Nilagpasan ko lang siya nakaupo sa sala habang nanonood.
"Hep, gumanda ka lang, snob ka na? Famous?" Lumapit pa siya sa akin para pigilan ako sa pag-akyat ko.
Tinignan ko lang siya. Medyo nagulat kasi ako sa ginawa niya. "Anong meron at naisipan mong magmake over?" Pinanliitan niya pa akong ng mata.
Oo nga pala. Hindi pala alam ni Ate ang lahat ng plano namin. Hindi ko naikwento sa kanya. Na kadalasan naman, everytime nagkwekwento ako sa kanya. Sasabihin ko ba? Pero ang planong 'yun ay sa amin amin lang.
And this time alam kong magtataka siya kung bakit ganito ang mukha ko. Never kong nagustuhan na magmake over. Kuntento na ako sa sarili ko. Ayaw ko ng mga kaechosan na sinasabi nila.
"I smell something fishy. Anong meron Andrey?" Tanong niya ulit. Lumapit pa ang mukha niya sa akin. "Is this about Tita?"
Nanlaki ang mata ko. Pano niya nalaman?
"A-ate?"
Lumayo siya sa akin saka nagcross arms. "Narinig ko 'yung usapan niyo nina Ace nung bumisita sila dito. Syempre, nacurious ako at may dalawang lalake na ang bumibista sa'yo. Aba, Andrey, nagsesekreto ka na sa akin ha? Naghintay pa akong sasabihin mo 'yun sa akin eh." Seryoso na ang boses ni Ate.
Napayuko naman ako at napalip bite. Ngayon lang kasi ako nagtago ng secret kay Ate. Sa mga ate ko, kay Ate Sapphy ang ako pinaka close dahil siya ang nandito. Samantalang ang ibang Ate ko naman, nasa ibang bansa.
"Eh Ate, hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko. Affected rin ako dail sa nagig malungkot si Tita. NAhopistalized pa siya. Feeling ko tuloy kasalanan ko. Hindi pa ako sanay na makitang ganun ka down si Tita."Mabilis na sabi ko.
Humawak siya sa balikat ko. Tsaka inangat niya ang ulo ko by holding my chin. "Relax sis. I'm not mad. I'm a bit disappointed lang kasi di ka nagsha-share sa akin. And this is the first time ha." Tumawa siya saka pinisil ang cheeks ko. Agad ko namang inalis ang kamay niya sa cheeks ko. Masakit kasi siya mangurot.
"Ate."
"Don't worry sis. Your secret is safe with me. Pero," She pause. "Hindi ko kinokonsinte ang gagawin niyong ito. Okay? Malalaki na kayo at alam niyo na ang tama. I think, I know how you handle things naman 'di ba?"
Napatingin lang ako sa kanya. Ang drama ng Ate. Minsanan lang din ito pero masaya ako kasi hindi siya nagalit sa akin.
"Tara! Akyat tayo sa taas. May mga bagay ako na matagal ko ng gusting ibigay sa'yo." Then excited niya akong hinila pataas.
Kinabukasan...
Muntik pa ako nalate sa klase. Nakasabay ko pa nga pumasok sa school si Ma'am eh. Hindi pa niya ako namukhaan.
Pano ba naman, inayusan pa ako ni Ate. Sa hair, make up. Sabi ko light lang eh. Maaga pa niya ako ginising para doon. Para turuan pa ako kung pano gumamit ng ganyan at ganoon na pang color sa mukha. Yun pala yung ibibigay niya sa akin. Nakastock lang sa kwarto niya dahil she's waiting for this time na maisipan ko nag mag-ayos - which is napilitan lang ako. Pinilit pa niya akong isuot ang contact lens na binigay ni Blue. Umayaw naman ako dahil late na talaga ako.
At ito na nga ang pinaka kinatatakutan ko, ang patinginan ng mga classmate ko. I don't really like getting attentions from other people.
"Ehem." Sabi ni Ma'am that caught the attention of the class. "I know Miss Mendoza is having her puberty, or puberty strikes her that's why she's so beautiful today. Pero sa akin muna ang atensyon niyo ngayon. Mamaya niyo na titigan si Miss Mendoza, baka mamaya matunaw pa siya." Pabirong sabi ni Ma'am but I gave her an awkward smile. Pasalamat na lang sa kanya kasi wala na sa akin ang tingin ng mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?