Chapter 43 - Am I Wrong

41 3 0
                                    


Let Me Know Chapter 43



Am I Wrong



Siguro nga, tama 'yung desisyon ko. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito kasi hindi ko na kaya eh. Ayaw ko nang maggrow pa lalo ang nararamdaman ko sa kanya. Ayaw ko magtake ng risk. Tama na 'yun.


"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ace habang kumakain kami. Kami lang tahimik ni Ken samantalang sila, nagdadaldalan. "Okay lang ba kayo?" Bulong pa niya sa akin. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.


Siguro napansin na din ng iba na ang tahimik namin pero no one bothered to ask except kay Ace na katabi ko. Ganito na lang siguro sila kaingay ngayon para mabawasan ang awkwardness sa grupo. Ako ba nagdala ng awkwardness? Hay.


Okay nga lang ba kami? Or siya lang 'tong okay? Kasi ako, hindi. Pero ayos na 'to.


"Magkwento ka sa akin mamayang uwian." Sabi ni Ace sabay kindat sa akin.


"Tungkol saan?" Tanong ko naman.


"Kung anong nangyari sa bakasyon niyo kung bakit naging ganito." He said while smiling at me. "Susunduin kita mamaya."




Ano nga bang nangyari sa bakasyon namin?



"Ako na mamimili para sa'yo Andrey, total first time mo naman dito, papatikim ko sa'yo ang sikat na food dito sa kanila." Sabi sa akin ni Ate Raffy.


Kasalukuyang andito kami sa isang restaurant. Katapat ko si Ate Raffy, katabi niya ang boyfriend niya at ako naman, katabi ko si Ken at si Tita Suzy na katapat naman si Tito.


Tango lang ako ng tango kay Ate Raffy. Hanggang sa may dumating na waiter at hiningi ang order namin. Medyo matatas na magkorean si Ate Raffy. Siguro nag-aral siya. Mukha namang mahilig itong si Ate Raffy sa Kpop eh.


"Ayun, panoorin mo pano nila gawin 'yung noodles." Turo niya sa akin sa may counter. Pinapakita nga nila kung pano gawin ang noodles para sa Ramyeon. Ramyeon ang kakainin namin. Sabi ni Ate Raffy kanina, maanghang raw ito. Mukhang mapapalaban ata ako.


Di nagtagal, dumating na rin ang order namin. Si Ate Raff yang nagmix nito para sa akin. Para akong bata na inaalagaan niya.


Nang kunin ko naman ang chopstick, nagdalawang isip ako. Wala ba silang tinidor dito? Nakakahiya naman kasi, baka di ko madakot 'yung noodles.


Wala akong nagawa kundi kunin at gamitin ang chopstick. Mukhang sanay itong mga kasama ko dahil kumakain na sila. Malamang sanay sila dahil may lahing Japanese nga sila, remember Andrey? Hay nako. Pano ko haharapin ang problema kong 'to?

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon