Chapter 30 - Skool Luv Affair

48 4 3
                                    


Let Me Know Chapter 30



Skool Luv Affair



"Ngayon, alam na natin kapag hindi nagpapakita sa atin si Andrey. It's either may pimples siya, o may utang siya." Sabi ni Dice. Nagtawanan naman sila.


Nagsorry naman ako sa kanila kinabukasan nun. Good thing at inayos na ni Ate itong pimple ko. Mya kung anong nilagay siya para di mahalata. Kakaiba talaga kapag ang Ate mo eh mahilig sa cosmetics. Malaking tulong para sa akin.


"Nga pala, darating 'yung dati nating leader sa dance club." Pag-iiba ng topic ni Dice.


"Buti naman at naisipan niyang tulungan tayo sa practice." Sabi ni Ace. Kasali din pala si Ace. Pero di naman siya umaattend ng practice nila. Lagi siyang nauunang umuwi kesa kay Ken.


Speaking of Ken, wala siya dito ngayong lunch. Nahihiya naman akong magtanong sa kanila.


"Ikaw Rap, may gusto ka bang salihang club?" Tanong ni Clay sa kanya.


Nagkibit balikat naman si Rap. "I'm not interested in clubs. I looked at the list of clubs yesterday but, it looks like I'm not interested on those."


"Magaling ka naman sa composing ah, ba't di ka na lang doon sa mga nagbaband?" Sabi ni Ace sa kanya.


"Nah, kompleto na miyembro nila eh."


"What if, gumawa kaya tayo ng sarili nating banda?" Napataas pa ang hintuturo ni Dice. Para bang napaka bright ng idea niya.


"Oo nga no?" Parang sumasang-ayon naman si Claine.


"Pasensya na guys, nahuli. Nagpatulong lang sa akin si Aira para sa project niya." Hinihingal na sabi ni Ken.


"Sus. Oh ayan, pinag-order ka na namin. Kung di ka lang namin mahal eh." Sabi ni Dice habang tinutulak ang pinggan ni Ken papalapit sa kanya. Naupo naman si Ken sa tabi ko.


"Kadiri." Komento naman ni Clay. If I know, selos lang ata siya.


"Bakit naman siya magpapatulong eh, magaling naman siya." Sabi ni Claine. Inis na inis talaga siya kay Aira eh.


"Syempre, lahat naman tayo, sa lahat ng bagay, kailangan ng tulong. Tsaka bihira ko na din makasama ang best friend ko. Nagtampo nga siya sa akin noong isang araw eh, wala na raw akong oras sa kanya." Sabi ni Ken habang ngumunguya ng pagkain niya.


"Kung magsalita ka naman, parang higit pa sa best friend." Dagdag pa ni Claine.


"Claine." Pagsuway sa kanya ni Ken.


"Oo na, kayo na magbest friend." Nagquotation pa sa ere si Claine.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon