Let Me Know Chapter 49
Circle Room Talk
"Nakalimutan kong magdala ng P.E. Unifrom kanina. Tinatamad naman akong umuwi." Sabi ni Ace habang nakasandal siya sa locker at ako naman, nag-aayos ng locker ko.
"Bumili ka na lang, kesa magkaminus points ka." Sabi ko sa kanya. Ganun kasi sa amin, kapag hindi ka nakauniform kapag P.E. o may practice na something, minus points.
"Wow, ang pera ko, para sa pagkain lang. Pautangin mo na lang ako Andrey." Sabi niya sabay lahad ng palad niya sa akin.
I smiled a bit. Nagpapacute siya. Nakapout pa eh.
"Hoy, andito ka lang pala." Biglang dumating si Dice at umakbay kay Ace. "Hi Andrey!" Bati niya sa akin nang makita niya ako.
"Asan si Clay? Di ba magkasama kayo?" Tanong ni Ace sa kanya.
"Nagtago na naman eh. Sinusundan kasi siya nung stalker niya. Ewan ko ba dun, maganda naman 'yung babae eh, balita ko nga habulin 'yun pero ayun, siya humahabol kay Clay." Umiling-iling pa si Dice. Siguro 'yung babaeng tinutukoy niya ay 'yung nakita ko nung isang araw. Maganda naman siya.
"Hoy." Sabi ni Ace kay Dice sabay suntok ng mahina sa tiyan nito. "May dala ka bang P.E. Uniform?"
"Oo, bakit? Wala kang dala no?" Nagbigay naman ng mapang-asar na ngiti itong si Dice kay Ace. "Ang aga naman kasi ng practice natin sa para sa Prom."
"Siguro para may time pa tayo makapaghanap ng prom date habang nagpapractice."
Nakatanggap tuloy ng batok si Ace galing kay Dice. Ang cute lang nilang tignan. Sabay pa kasi kung anu-anong pinagsasabi nila.
"Uy, kunware natatawa si Andrey, nagseselos 'yan kasi maghahanap ka ng kadate sa prom." Asar naman sa akin ni Dice. Dinamay niya pa ako.
"Hindi naman necessary na may date sa prom 'di ba? Parang requirement lang 'yan na kailangan mong magcomply." Sabi ko naman.
"Nag-attend ka ba ng prom last year?" Tanong ni Rap na kararating lang sa pwesto namin.
"H-ha? Oo." Oo, nag-attend ako pero umalis din ako agad after checking of attendance. Hindi nga kasi ako sanay sa mga parties kaya ganun. Plus, kadate ko ang book ko nun kaya parang wala lang sa akin ang prom and valentines.
Naging interesado tuloy sila sa sagot ko dahil medyo lumapit sila sa akin.
"Umattend ka pala ng prom noon." Sabi ni Dice.
"Sino naman kadate mo?" Tanong ni Ace.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?