Chapter 22 - Does That Make Sense?

27 5 0
                                    


Let Me Know Chapter 22



Does That Make Sense?



"Andrey! Ken!" Napalingon kami sa likod namin. Tumatakbo papalapit sa amin si Claine. "Andito ang bru—" Napatingin siya kay Ken. "Si ano pala, si Aira."


"Ha? Anong ginagawa niya dito?" Tanong ni Ken at agad na bumalik sa loob. Mukhang excited siyang makita si Aira. Napayuko na lang ako. Bakit biglang ganito ang naramdaman ko? Bakit may nag-iba?


"Nakita ko 'yung moment niyo kanina. Pasensya na kung nasira." Sabi ni Claine.


"Anong pinagsasabi mo?" Inosenteng tanong ko sa kanya.


"Wala! Maging aware ka sana sa sarili mo. Ay hindi pala. Beware!" Sabi niya sabay talikod sa akin.


Tinamaan naman ata 'yun. Or baka nga meron siya ngayon? Kaya ganun siya ka moody. Hindi pa ako nasanay. Hay.


Bumalik na din ako sa loob ng bahay nina Ken. Baka kasi hanapin na din ako ni Lola Sisa. Sigawan na naman ako.


Pagpasok ko sa loob, andun, nakaupo sila sa sala. Si Aira, Lola Sisa, at si Ken na nakatayo. Mukhang tuwang tuwa na kausap ni Lola Sisa si Aira. Samantalang sa akin, nagsusungit siya, nagtataray. Para na akong titirisin. Teka, nagseselos ba ako? Pero hindi ah, ang unfair lang kasi.


"Oh, Andrey." Sabi ni Aira nang mapansin niya ako. "Andito ka pala." Nginitian ko siya.


Naupo ako sa sofa. "Sino nagsabing maupo ka?" Pagtataray niya kaya napatayo ako agad. Kaya pala nakatayo din si Ken dahil di siya pinaupo ni Lola.


"S-sorry." Sabi ko naman.


"Buti nabisita ka iha?"


"Ah, opo. Nakita ko po kasi ang post ni Dice. Kaya ayun, naisipan kong pumunta dito. Namiss ko na rin po kasi kayo." Sagot ni Aira.


So meaning, nanggaling na siya dito? Kilala na siya dati ni Lola Sisa. Kaya naman siguro mabait si Lola Sisa sa kanya dahil dati na silang magkakilala. Sabagay, ilang years na ba silang magbestfriend ni Ken, kaya open na siya sa family ni Ken.


"Aww. Namiss din kita iha. Nagtaka nga ako kung bakit di ka nila kasama. Pero dahil andito ka na, masaya na ako." Tuwang tuwa na sabi ni Lola.


Tapos tumingin siya sa akin tapos kay Ken. "Magluto na kayo ng ulam. Nakapagsaing na kami. Bilis!" Sigaw niya sa amin.


"Magluto lang kami." Paalam ni Ken kay Aira. Nginitian naman siya ni Aira.


Agad naman kaming pumunta ni Ken sa Kusina. Buti na lang at hindi na sa uling kami magluluto kundi sa kalan na. Masyado pa daw matagal kung sa uling kami. Gutom na gutom na pa man din ako.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon