Chapter 33 - Boys In Luv

22 3 0
                                    


Let Me Know Chapter 33



Boys In Luv


Pagbukas ko ng kwarto ni Dice, bumungad sa akin si Ace na agad akong kinuwelyuhan. Galit na galit siya. Gumalaw ang iba para pigilan si Ace. Nakatingin siya straight to my eyes. Never ko pang nakita na ganito kagalit si Ace o ang mga tingin niyang ganito.


"Di ba sabi ko sa'yo ingatan mo siya? Pano na lang kung may nangyari sa kanya? Di mo ba alam kung gaano siya katagal naghintay doon? Ha?!" Mapangbanta ang boses ni Ace. Pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi. "Kung hindi mo siya kayang ingatan. Ako, ako iingatan ko siya."



After niyang sabihin 'yun, tinulak niya ako at nagwalk out siya. Lahat kami nakatingin sa likod niya habang papalabas siya.



Anong ibig sabihin niya?



***Andrey's POV***



Sasabay ba ako sa kanila maglunch mamaya? Hay. Wag na kaya. Paniguradong andun siya eh. Awkward. Hindi naman sa galit ako kung bakit di siya sumipot. Para kasing nakakahiya tapos magsosorry siya? Baka naman kasi may emergency siya kahapon, nakalimutan na niyang tawagan ako.


Pero thankful naman ako at dumating si Ace. Baka maghintay pa ako ng matagal doon.


"Hoy. Madapa ka." Napatingin ako sa right side ko. Nagulat na lang ako nang may nagsalita.


"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.


"Malamang, naglalakad. Katabi mo. Ano pa ba? Humihinga."


Kung siguro mataray lang ako, kanina ko pa siya natarayan. Kaso hindi eh. Hindi ka pa ba sanay Andrey sa mga ganyang sagot niya?


"Tulala ka ata. May iniisip?" Tanong niya.


Napatingin ako sa pagkain na binili ko sa canteen. Maaga akong bumili ng food dahil ayaw kong makisabay sa kanila mamaya. Napagplanuhan ko na.


Iniba ko ang usapan. "Eh bakit pala andito ka sa labas eh may klase kayo 'di ba?"


Ginulo niya ang buhok niya. "Naboring ako eh. Puro kwento ng mala MMK na buhay 'yung teacher namin. Hindi na kapani-paniwala." Kinuha niya ang drinks na binili ko. "Sipain mo na lang 'yung vending machine. May bababa na drinks doon. Sige, alis na ako. Matutulog na lang ako sa Dance Room." At tumakbo na siya paalis.


Bilib din ako sa isang 'yun. Kahit tulog ng tulog, mataas pa rin ang nakukuhang grade. Baka paggabi, mulat siya kakareview.


Dumiretso ako sa locker ko para itago itong food ko. Pero bago 'yun, naisipan kong pumunta sa Student's Lounge. Napatitig ako doon sa vending machine. Sisipain ko ba?

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon