Chapter 40 - Look At Me

47 3 0
                                    


Let Me Know Chapter 40



Look At Me



Mga Bandang 4 Pm, pinatawag kami ni Sir para mag-ayos. Naghire kasi siya ng mag-aayos sa amin. Plus, kailangan maaga dahil kami ang unang magpeperform.


Nag-iinarte naman si Claine dahil ayaw niyang magpaayos. In the end, wala na siyang nagawa dahil napagalitan siya ni Sir. Eh di ayun, nakasimangot habang inaayusan.



After naming mag-ayos, dumiretso kami sa back stage ng Gym. Nauna kaming pumunta doon kesa sa mga boys. Nahiwalay kasi kaming ayusan sa kanila. Kami ang first performer. Welcome dance ba.


"Nakakainis naman. Isusumpa ko 'yan si Sir. Andaming arte. Sasayaw lang naman eh." Nanggagalaiting sabi ni Claine.


Ewan ko ba kung matatawa ako sa kanya or ano. Namumula na siya sa inis. She's good at dancing also. Pero 'yung hindi ganitong sayaw na folk. She likes Hip Hop. Sumali din siya sa club dahil andito din ang mga kaibigan niya. Well, wala siyang magagawa dahil pati ito ay uri din ng sayaw.


Di nagtagal, dumating na din ang mga boys. Nagkatanginan kami ni Ken pero agad ko naman itong iniwasan. Nagulat pa nga ako doon eh.


Medyo rush na dumating si Sir at may dalang sewing kit. Kasama niya din si Rap at mukhang abala sila sa pag-aayos ng costume ni Rap.


And as expected, hindi nga nila ako pinapansin. Pwera lang itong pinsan ko. Wala naman siyang ibang papansinin dito sa mga babae kundi ako lang eh.


Pinatawag na rin kami para magready. Medyo nakakakaba dahil first time kong sumayaw sa stage at maraming tao ang nanonood. Nagready naman kami and when the music starts, pumunta na kami sa position namin.


"Kinakabahan ka ba?" Bulong sa akin ni Ken nang magsimula na kaming sumayaw. Hindi ako sumagot. Nakangiti lang ako. "Tumingin ka lang sa akin. Mawawala ang kaba mo. Isipin mong practice lang ito." I did what he said and it worked. Nawala nga ang kaba ko. Pero natatakot na naman akong malunod sa tingin niya. Please, sana matapos agad ito.



After ng sayaw, we bowed. Nawala ang kaba ko dahil tapos na. Wala nang practice every night. Wala nang pagod.


Pagpasok namin sa backstage, Sir welcomed us and congratulate us. Naging satisfied din siya sa performance namin. Good thing na rin 'yun para sa grade namin.


Agad naman akong hinila ni Claine."Tara na, magbihis na tayo." Sabi niya. Bitbit niya na rin ang paper bag ko kung saan ang uniform ko. Kating-kati na talaga siyang magbihis.


Dumiretso kami sa CR ng Gym. Mas naunang natapos si Claine na magbihis kaya nagpaalam siyang sa labas na niya ako hihintayin.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon