Let Me Know Chapter 32
Not Today
"Kailan po ba siya makakalabas?" Tanong ni Blue sa Doctor.
"Maya-maya pwede na siyang lumabas. But kailangan every week siyang pupunta dito para macheck natin ang arm niya. Plus, kahit na nakalabas na siya, hindi ibig sabihin nun eh ayos na. Hanggang meron yang semento sa kamay ko, kailangan mong mag-ingat. We'll do some test pa rin naman kahit na naalis 'yang semento. Maliwanag?" Bilin sa amin ni Doc.
"Opo. Sige po. Thank You po." Tumango pa si Blue.
Pagkasabi nun ni Doc, umalis na siya.
Tumingin siya sa akin. "Narinig mo 'yun? Mag-ingat ka raw." Sabay pitik niya sa noo ko.
"Aray." Sabi ko naman sabay pout.
For a week or so, I'll be using my left hand. Hindi pa man din ako kaliwete. I'll expect a doctor like writings on my notebooks. Napabuntong hininga na lang ako.
"Teka nga pala, anong ginagawa mo sa school?" Tanong ko sa kanya. Bigla na lang kaisng meron siya sa school at siya ang naghatid sa amin ni Aira dito sa Hospital. Nasa kabilang bed naman si Aira at nakahilata. Dahil sa naoutbalance siya kanina, paa naman niya ang napuruhan. Buti na lang at meron si Blue, kung hindi, sino na lang tututlong sa amin doon sa mga students na nagsisistakbuhan papuntang canteen. Baka mas piliin pa nila ang food kesa sa amin.
"Oras ng snack niyo di ba? Dinalhan kita ng cupcakes. Oh!" Sabi niya sabay taas ng paper bag.
"Aira! Andrey!" Sigaw nina Ace habang papunta sa pwesto namin. Napasilip naman ako sa pwesto ni Aira na nasa left ko. Sa kanya dumiretso si Ken at mukha itong nag-aalala. Napayuko na lang ako sa nakita ko.
"O-okay ka lang ba?" Tanong niya pa kay Aira.
"Ano bang nangyari sainyo?" Tanong ni Ace. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala.
"Nahulog sa hagdan dahil sa stampede." Sabi ni Blue sa kanila.
Sabay sabay silang napatingin kay Blue. Si Claine naman, nahuling dumating at napatingin kay Blue.
"A-andito ka?" Nanlaki ang mata ni Claine. Hindi niya rin pala alam na andito si Blue.
"Replica ko lang 'to." Sabay pinch ni Blue sa ilong ni Claine.
"Magkakilala kayo?" Sabay sabay na sabi ng lima, syempre, maliban kay Clay.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?