Let Me Know Chapter 44
Am I Wrong Pt. 2
Siguro, kaya niya naisip 'yun kasi, gusto niya lang akong mas makilala? Gusto niyang maging magkaibigan kami? Or pano maging isang kaibigan ang isang Andrey?
Anong oras na oh, am na kung ano ano pa ring naiisip ko kung bakit niya nasabi ang mga 'yun. Or baka para maenjoy niya lang ang stay naming dito? Or para maenjoy ko din ang stay ko dito kaya parang he wants me to have fun and be comfortable?
Andaming tanong. Bakit ba kasi? Ayaw ko namang magtanong sa kanya.
Gusto niyang itrato ko siya na parang katulad kay Ace? Eh hindi naman siya si Ace eh, siya si Ken. Magkaiba silang dalawa ta iba din ang turing ko sa kanilang dalawa.
Napatingin na lang ako sa phone ko. Hay nako, tama na 'yan Andrey. Nagpupuyat ka sa non sense na mga naiisip mo.
Mga bandang 5 Am na, bumangon na ako at naligo. Kahit mga 5 pa lang eh andilim dilim pa rin dito sa Korea. Iba siguro ang timeline nila kaya ganun.
Namomroblema naman ako sa susuotin ko. Dapat comfortable ako at protektado ako sa lamig at the same time. Mahirap na.
Nagsusuklay na ako ng buhok ko nang may kumatok. Kanina ko pa ito inaabangan at kinakabahan talaga ako. Pinapractice ko na kung anong sasabihin ko sa kanya or pano ba pakikitungo ko sa kanya. Kanina pa ako hinga ng hinga ng malalim. Just act natural Andrey. Pero pano ba?
Ayan na, bubuksan ko na ang pinto.
Pagbukas ko, nakangiting Ken ang bumungad sa akin. "Good Morning." Bati niya. "Sakto, nakaready ka na pala. Nasa baba na 'yung tour bus natin."
"Ah, sige." Yun na lang nasabi ko. Napakagat pa ako sa lower lip ko. 'Yun lang Andrey?
"Magbrebreakfast pala tayo malapit sa Seoul Tower. Kailangan kasi natin sundin 'yung mga lugar na nasa program nung Package Tour na kinuha ni Mama. Kaya hindi tayo basta basta makakapunta kung saan. Isa pa, mukhang magaganda naman 'yung mga lugar na pupuntahan natin." Sabi niya habang pababa kami ng elevator.
Pagbaba namin, nauna na pala sila Tita at nasa loob na ng bus. May mga ibang turista din pala ang nakasakay dito sa bus. Hindi lang kami. Iba-ibang lahi. Kami lang ata ang Filipino dito. Siguro mga nasa apat na family ang nandito, kasama na kami.
Nagsimulang mag-introduce 'yung tourist guide namin habang on the way kami sa Seoul Tower. Hindi naman ako nakikinig dahil sobrang amaze ako sa mga nadadaanan namin. Ang linis ng daan nila. Tapos ito namang si Ken, kung anong tinuturo sa akin sa daan. Nasa may window side ako at siya naman sa may aisle. Ilang beses na raw siya nakavisit dito kaya medyo memorize niya na ang ibang lugar. Kinuha pa rin nila ang package na ito for me na baguhan lang. Favorite country daw kasi ito nina Tita at Ate Raffy since mga kdrama addict daw sila. Nahiya tuloy ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?