Let me Know Chapter 37
Hold Me Tight
***Andrey's POV***
After naming magdinner ni Blue, pumunta kami sa hospital. Ngayon kasi nakascheduled na alisin itong bandage sa kamay ko. Basang-basa man ako, hindi na ako nakapagpalit ng damit. Gusto pa sanang umuwi ni Blue at icancel ang dinner namin kaso kinulit ko siya na sayang naman 'yung reservation niya kaya natuloy ang dinner.
"Mabilis naman ang recovery mo." Sabi ni Doc. I smiled at him.
Paglabas namin ng Hospital, nasaktong nabahing ako. Napatingin sa akin si Blue.
"Naligo ako ha. Halos ipampaligo ko ang pabango ko." Defensive masyado ang taong 'to.
Hinatid naman niya ako sa bahay. Ang akala kong aalis na siya, nagstay pa siya. Gusto niya raw makita akong nagrereview, kaya sa balcony na lang kami naupo. Ako nagrereview, siya naman naglalaro sa phone niya. Minsan paselfie selfie din siya.
Busy naman ako pagbabasa nang umalis siya sa harapan ko. Bumalik siyang may dalang pagkain. Naglapag siya ng slice of cake sa harapan ko. Kung sa akin slice, sa kanya, parang kalahati ng cake. Inuwi ata 'to ni Ate.
Mga bandang 9:30 na, sinilip ko kung ano nang ginagawa niya. Nakaupo lang kasi siya sa harapan ko.
Ayun, tulog na pala. Balak ko sana siyang gisingin kaso parang napakapeaceful niya nang tignan.
Nababahing na naman ako kaya umalis ako sa balcony at pumunta sa sala para bumahing. Hala, sinisipon na ako. Bakit ko kasi naisipang magdrama sa ulan? Ayan tuloy, sinipon ako.
Nagflash na naman sa utak ko ang nangyari kanina. Napailing na lang ako. Tama na 'yan Andrey. Isang malaking hint na wag ka nang umasa. Tigilan mo na ang pag-e-expect ng kung ano sa mga ginagawa niya.
Kumuha ako ng kumot saka pinatong ito sa balikat ni Blue. Tinignan ko ang maamo niyang mukha. I mouthed thank you kahit alam kong hindi niya makikita. He cheered me up kanina. He didn't even bring the topic up habang kumakain kami. Kung anu-anong jokes lang ang pinagsasabi niya which helped me na makalimutan ang nangyari kanina for the mean time. Lagi siyang ganito kapag alam niyang malungkot ako.
Inayos ko muna ang gamit ko saka nakitulog sa tapat ni Blue. Ayaw ko siyang iwan na mag-isa dito. Baka kinabukasan niyan, singhalan niya akong pinabayaan ko siya dito.
Kinabukasan...
BINABASA MO ANG
Let Me Know
FanfictionWhen you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of a plan. Is it real only for you, or it's not for him?