Chapter 5 - Plan

32 5 0
                                    


Let Me Know Chapter 5

Plan

Binigyan ako ng papel ni Ace. May nakasulat dito. Saying na we should agree na lahat ng plano naming ay between sa tropa lang? Oo, tropa ang nakalagay dito eh. Kailangan daw naming pirmahan ito at siya ang magtatago.

"Hindi ko pa alam ang plano kaya, hindi ko muna ito pipirmahan." Sabi ko naman.

"Okay. Ito na, mag-e-explain na. Dahil sa matalino ako, nakapag-isip ako kagabi. 'Yung inisip ko ay napaka ganda talaga na mapapabilib ka at mapapapayag kita. And—"

"Ace, direct to the point please." Sabi ni Claine. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi niyo pa alam ang plan?" Tanong ko sa kanya.

Umiling ang apat maliban kay Ace. Seryoso? Akala ko alam na rin nila dahil mukhang payag naman sila sa plano o kung ano mang plano ito.

"We trust Ace. Kaya hinayaan nalang namin siya." Sabi ni Clay na humihikab pa.

"Tumpak Pare, apir tayo diyan." Nilahad niya ang kamay niya kay Clay pero binalewala lang ito ni Clay. "Owkaaay. Magsisimula na. So ganito 'yun. Syempre, magsisimula tayo sa simula. Hindi naman basta basta na kayo na agad 'di ba? Hay, OMG, para akong director ng isang pelikula." Mukha pa siyang kinikilig. Pinagdikit pa niya ang palad niya.

"And pano magbebreak? Hindi naman pwedeng pamhabang buhay kaming kami. What if may magustuhan kaming iba 'di ba?" Tanong ko. Napatingin na naman sila sa akin. May mali na naman sa sinabi ko? Iba kasi ang tingin nila eh.

"Wag ka ngang atat Andrey. Okay? Gusto mo na agad matapos 'yung story eh. So ayun, we'll plan something na, tinatago niyo nga talaga ang ligawan niyo dahil takot kayo majudge ng parents niyo or ng sino man, kuno, dahil ang family niyo ay super close. And then, ayun, sa Monday, next week, may plan kami para mahingi ni Ken ang Yes mo. Pero secret lang 'yun dahil wala pa akong maisip sa araw na 'yun."

"Hanggang kalian ba itong act na ito?" Tanong ko ulit.

"Ito na, darating na tayo diyan. Hanggang Graduation." Sabi niya sabay ngiti.

Napakunot naman ang noo ko. "Antagal naman nun." Sabay pa naming sabi ni Ken.

"September na ngayon, next week October na, antagal nun." Sabi ko habang binibilang ang months.

"Hmm. Okay na 'yun. Ang pangit naman tignan na magbebreak kayo agad." Sabi ni Claine. "Nga pala, pano sila magbebreak? 'Yung tipong hindi masakit para kay Tita."

"Nice question Claine." Sabi naman ni Ace. "1 week, after graduation, magbebreak kayo. You have different path naman 'di ba? Sabihin niyo na lang na you have bigger dreams and 'di niyo kaya ang LDR kung sakali man. And college, ika nga nila, is a different world. Pero, sasabihin niyo naman na you two can still be friends. Dapat may closure pa rin kayog dalawa. Ipakita niyo 'yun. Para naman hindi pangit ang dating. Okay ba?"

Napaisip kaming apat na nakikinig sa kanya. Okay din naman 'yung plano niya. Kaso nga lang, ang problem, I don't know how to act inside in a relationship.

Sabay kaming napataas ng kamay ni Ken. "You first." Sabi niya sa akin.

"Ah...act ito 'di ba?" Tanong ko. Tumango sila. "I don't know how to act. Like, pano ba inside a relationship? What to do?"

"Ayun din ang tanong ko." Sabi naman ni Ken.

Inakbayan ako ni Claine. "Don''t worry. Andiyan si Google. We'll help you."

"We'll do research." Sabi ni Dice.

Napabuntong hininga naman ako. Is this really going to work? Iba itong pinasok ko.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon