Chapter 54 - Assumptions

12 1 0
                                    


Let Me Know Chapter 54

Assumptions

"Insan, dating gawi." Sabi sa akin ni Claine habang taas baba ng kilay niya.

"Group Study!" Sabay sabay na sigaw nilang tatlo nina Dice, Claine at Ace habang naglalakad kami sa hallway. Katatapos lang kasi ng lunch.

"Sama ka Rap? Share mo naman blessings mo." Sabi sa kanya ni Ace.

"Pass." Sagot ni Rap at nauna na siyang maglakad.

Napapout na lang si Ace. "Andrey." Napahawak siya sa braso ko na parang bata and he gave me that smile na halos hindi na makita ang mata niya. "Game ka ba?"

"Ehem." Dinig kong sabi ni Ken na nasa left side ko. Agad naman kumawala si Ace sa pagkakahawak sa braso ko.

"Sorry, sorry." Sabi ni Ace. Wala lang naman sa akin 'yun at sanay naman ako sa pagiging clingy ni Ace sa akin. "So, game ka? Please. Gusto ko lang magrank up. Finals na so kailangan talaga bumawi."

"Oo ng Andrey." Pagsang-ayon din ni Claine.

"Uh, okay." Hindi na din naman ako makatanggi sa kanila.

"Ayun oh! Hayaan mo insan. Ililibre kita sa mamahaling restaurant kapag may ipon na ako." Sabi ni Claine.

"Sama ka na rin Aira." Sabi ni Dice kay Aira na katabi lang din ni Ken.

"Ha? Hmm, pag-isipan ko pa." Sagot ni Aira sabay ngiti. Lately lang din, pansin kong madalas tahimik si Aira kapag kasama niya kami or di naman para siyang nakatulala. Okay lang kaya siya?

"Bakit, busy ka ba?" Tanong ulit sa kanya ni Dice.

"Hmm, medyo."

"Ayan! Dami pala tayong tutor eh, mukhang masaya ito." Masiglang sabi ni Ace.

"Siguraduhin niyo lang na mag-aaral talaga kayo kesa gagawa ng kalokohan." Sabi ni Clay.

"Oo naman!" Sabay na sabi nung tatlo.

Hinatid naman nila kami sa room namin ni Aira at nagpaalam na din. Di pa man ako nakakapasok ng room nang bumungad sa akin si Anne. Siya pala ang top 6 sa klase namin. Nauna nang pumasok si Aira.

"Uhm, Hi Andrey." Bati niya sa akin. Ngayon lang din niya ako kinausap at ngayon ko lang din siya kinausa kaya nakapagtataka.

"Uh, hello."

"Hmm, gusto sana kitang makausap about sa finals." Napayuko siya na halatang nahihiya. "Eh kasi, gustong gusto ko na din magrank up kaya I really need your help. Nag-aaral naman ako ng maayos pero kasi hindi kuntento ang parents ko sa pagiging top 6 ko. Kahit ngayong finals lang, tumaas ang grade ko or ranking."

"Ah ganun ba?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Talagang kapag ganitong finals na, andaming gusto tumaas ang grades nila. Syempre, next journey na namin is college so they need a high average.

"Narinig ko din kanina na may group study kayo? Hmm, pwede bang sumali sainyo?"

"Ah, eh, sure." Nahihiya naman akong tumanggi sa kanya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Wow, thank you Andrey! Thank you so much!" Sobrang saya niya. Natahimik naman ako sa ginawa niya kaya I gave her an awkward smile.

Pagkauwi ko, nagulat ako na ang daming notification from my messenger. Gumawa pala sila ng group chat para sa group study. Nagpaplano na din sila kung sino ang magdadala ng meryenda, pati na din oras pinagplanuhan na nila. Mukhang desidido talaga sila na magrank up kahit this finals lang.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon