Chapter 10 - Status

33 3 0
                                    


Let Me Know Chapter 10

Status

"Anak." Open arms na sinalubong ako ni Mama nang makauwi kami. Nauna silang umuwi kesa sa amin. Ininterview pa kami ganoon at ganyan. Wala nga akong masabi eh. Hindi talaga ako naorient sa mga pinaplano nila.Siya na lang angnagsasagot at ako nalang itong tumatango.

"I'm so proud of you." Sabi pa ni Mama habang hinihimas himas pa ang likod ko. Tuwang tuwa siya na para bang nakapaggraduate na ang anak niya at napasa pa ang board exam at naging Top 1 pa. Oa man ang description ko pero parang ganun ang kasiyahan ni Mama. Napakalaki talagang achievement ito for her.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya. I just gave her an awkward smile because she don't know the truth. There's this part of me getting guilty about it.

Tumingin ako kay Papa. Nakatingin lang siyang diretso sa akin. Hindi ko alam kung masaya ba siya o malungkot o galit. Blangko lang ang expression ng mukha niya.

Natatakot ako.

"Andrey." Napalunok ako nang bigkasin ni Papa ang pangalan ko. Lumapit siya sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "I'm happy for you."

Nagulat ako sa sinabi ni Papa. "P-po?"

"Good choice anak. Sana sinabi mo na sa amin noon pa. Hindi naman kami magagalit anak. Maiintindihan ka naming dahil nagdaan din kami sa mga ganyang bagay." Nagkatinginan sila ni Mama at nagngitian na para bang kinikilig pa sila.

Napayuko ako. They don't know the truth. "Sorry po." I said.

"It's okay anak."They said in chorus and smiled at me.

Not because of that but because I'm lying to both of you.

They both hugged me. I hug them back.

After ng scene na 'yun, nagpalit na ako at sumalpak sa kama. Nahirapan pa ako magtanggal ng ear rings dahil natatakot ako na baka masakit. Nagpatulong pa ako kay Ate na tanggalin ang contact lens ko dahil hindi pa ako sanay na wala ang glasses ko. And of course, nagbangayan na naman kami.

Nakikipagtitigan lang ako sa ceiling. Usually, ganitong oras, kaharap ko na ang libro, pero hindi. Ewan ko ba pero I feel exhausted today. Siguro kasi andaming nangyari sa araw na ito.

Nagulat ako nang biglang nagring ang phone ko. This time? May tatawag pa ba?

Kinapa ko ang phone ko sa side table. It's Ate Reign. Panganay na Ate ko.

Sinagot ko naman ito.

"Dreyyyyy!" Sigaw niya. Nailayo ko tuloy ang phone ko.

"Ate, kalma." Sabi ko.

"Pano ako kakalma, ha?! Nalaman ko nalang na may boyfriend ka na!" Hindi naman galit ang tono ng pananalita niya, kundi excitement. "Kung hindi ko pa vinisit yung page ng Secret Files ng school niyo hindi ko pa malalaman."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ano namang pinagsasabi ni Ate?

"Page? Ha?"

"Drey."Napabuntong hininga siya. I can sense na pa roll ng eyes ang babaeng 'to. "Pag ako umuwi, masusuntok kita." Napakasadista niya talaga. Palibhasa boyish. Kaya nagkakasundo sila ni Claine eh. "Matuto ka ring maglog in sa Facebook ah? Nilalangaw na din ang Twitter at Instagram mo. Nivisit ko rin ang Profile mo to confirm the news pero ang last post mo, last 2 months. Tao ka pa ba Andrey? Ha?"

Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Ate. She's into social medias kasi she likes to travel and post to her blog something about her travels. Pero tao pa naman ako kahit hindi o ivisit ang mga 'yan. I'm just busy with my books. Hanngang text at call lang ako.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon