Chapter 31 - Youth

25 3 0
                                    

Let Me Know Chapter 31



Youth



"Ikaw na lang kasi lagi ang favorite ni Teacher. Lagi na lang ikaw napapansin. Ikaw na lang laging naipagmamalaki! Sipsip!"


"Wala kaming kaibigan na tulad mo!"


Sigaw ng mga kaklase ko sa akin. Ng mga tinuring kong kaibigan. Iniisip ko lagi, ano bang nagawa kong mali sa kanila at ganito ang turing nila sa akin?


Every lunch, ako lang mag-isa, sa isang lugar lang ako laging pumupunta. Doon kasi tahimik. Doon kasi walang mang bubully sa akin. Walang mananakit. Sa likod garden ng school.


Tuwing uwian naman, pagnaglalakad ako palabas ng school, ayaw akong tigilan ng mga kaklase ko kakutya sa akin. Ganun na lang ba sila kagalit sa akin?


Nagulat na lang ako nang may humila sa akin.


"Anong sinasasabi niyo tungkol sa kanya? Pakiulit nga?" Tanong niya sa mga batang nambubully sa akin.


Hindi sila nakaimik at nagsitakbuhan na lang.


Tumingin siya sa akin. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin at pinunasan ang luha sa pisngi ko.


Tumango ako bilang sagot. Ngumiti naman siya. "Simula ngayon, sabihin mo lang sa akin kung inaaway ka ng mga 'yun at papaalisin ko sila sa school na 'to."


Natawa naman ako. Sikat siya dahil siya ang anak ng may-ari ng school na 'to. Kaya kapag nakikita siya ng ibang bata, natatakot sila sa kanya.


"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sa akin.


"A-andrey." Sagot ko.


Ngumiti na naman siya sa akin. "Blue."



Tinitignan ko ang picture namin ni Blue nung bata pa kami. Pinakaunang picture namin. Lagi lang 'tong nakatago sa wallet ko. Dahil sa maliit ako, nakapeace sign siya pero nasa likod ng ulo ko ang kamay niya. Bale para tuloy na may sungay ako. Nakaupo naman si Claine sa picture na 'to.


Isang nightmare sa akin ang nakaraan na 'yun. 'Yung araw araw nilang pinapamukha sa'yo ang mga bagay na 'yun kahit hindi naman ganun ang intension mo. Kaya simula din noon, hindi na ako agad nakikipagkaibigan. Akala ko kasi, ang kaibigan, susuportahan ka sa lahat ng bagay. Ups and Down man 'yan.


Andito ako ngayon sa Green Garden. After nung nangyari kanina, dumiretso ako sa locker at inayos ang gamit ko. Isang class na lang ang titiisin ko at uwian na. Hindi ako makatingin sa gawi ni Aira nun. Iba na. Iba na ang pakiramdam ko sa kanya. I'll expect na mag-iiba na ang pakikitungo niya sa akin.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon