Chapter 26 - 2 Cool 4 Skool

21 3 0
                                    



Let Me Know Chapter 26



2 Cool 4 Skool




"Asan ka?" Bungad sa akin sa phone ni Claine. Lunch na kasi at mukhang hinahanap niya ako para maglunch.


"May ginagawa pa ako eh." Sabi ko naman.


"Sino 'yan?" Tanong ni Rap.


"Andrey! Sino 'yang kasama mo? Boses lalaki 'yan ha. Insan, wag mong sabihing—" Kung ano ano na namang pinagsasabi ni Claine.


"Inutusan ako ng Principal na magtour ng isang exchange student. Okay na po ba insan?" Mabilis na sabi ko sa kanya.


"Asan kayo? Pupuntahan namin kayo! Ngayon na! Baka kung--." Binabaan ko na siya. Alam kong bastos 'yun pero mapapahaba na naman ang sermon niya sa akin. Nagmana nga siya kay Mamita.



Napabuntong hininga na lang ako. Almost 2 hours na kaming naglilibot sa school. Pano ba naman kasi, halos lahat ng building ata gusto niyang picturan. Natagalan kami sa Friendship Garden ng school. Nagpapicture siya doon. 'Yung whole body na kuha. Sabagay, maganda naman kasi dito sa Friendship Garden. Instagramable post naman siya. Sabi pa nga niya, ipo-post niya daw kasi sa Twitter 'yung pic niya para makita naman ng mga kaklase niya doon. Famous siguro siya sa SNS kaya ganun.


"So itong two story building na ito ang Library namin. Hiwalay ang Library ng elementary sa high school. Tapat naman ng Library na ito ang Museum ng school." Pagturo ko sa mga buildings dito sa school. "Gusto mo bang pumasok?" Tanong ko sa kanya.


Nagulat ako nang punasan niya ang pawis sa noo ko. Ni hindi ko nga pinapansin ito. Ah... how do I spell it? Awkward. Lumayo ako sa kanya ng konti.


"Ah, sorry."Tinago niya sa bulsa niya ang panyo. "You look tired. Do you want to have a lunch with me? My treat."


"Ah, w-wag na. Kakain na lang ako mamaya. Kung gusto mo, ikaw na mauna." Sabi ko naman. Nakakahiya lang kasi na kumain kaharap sa taong di mo pa kilala.


"No. Since you toured me around, and well," Umirap siya. "It's my fault why you're tired. I insisted that I don't need a tour around your school but Miss Principal keep on telling me that I need that. Filipinos are really known for being hospitable."


Parang hindi naman siya Filipino kung magsalita. He have that American accent pero dugong Filipino naman siya.



Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng school.


"You know, I wanna try that kwekkwek ba 'yun? That round orange they're selling." Turo niya doon sa nagtitinda ng street food sa gilid ng school. Maski ako din, gusto kong matry. Di ko pa natitikman 'yun. Ewan ko ba, madalas naman akong nadadaan kay kuyang nagtitinda ng kwekkwek pero di ko naisipang bumili. Minsan kasi maraming nagsisiksikan na mamimili sa kanya. Eh hindi naman ako sanay sa crowd.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon