Chapter 23 - Fire

23 4 0
                                    


Let Me Know Chapter 23



Fire



"Dahil andito na tayo, lubusin na natin ang bakasyon. We only have 3 days na lang." Sabi ni Ate.


Sa may malapit sa lake kami magcacamp fire ngayon. Wala pa pala ang mga kahoy. Kaya ayun ang mga kakalakihan, nangunguha ng mga sinibak na kahoy ni Ken kanina. Si Claine naman ang nag insist na gumawa ng apoy. Si Ate ang nakaisip ng camp fire na 'to. Para naman may magawa raw kami. Tsaka for fun na rin daw.


Naupo na kaming mga babae sa nilatag na tela ni Ate. Magkatapat kami ni Aira. Nginitian niya ako. Nginitian ko din siya pero saglitan lang.


Nang matapos na silang manguha ng kahoy, nagreklamo pa sila kay Ate. Nabatukan tuloy sila ni Ate. Tig-i-isang batok.


"Magsiupo na nga kayo. Dami pang daldal." Singhal sa kanila ni Ate.


"Wait lang." Sabi ni Ace at bumalik sa loob. May kukunin ata siya. Pagkalabas niya, may dala na siyang kumot. Kumot na di naman gaanong kalakihan. Nagulat ako nang tumabi siya sa akin at pinatong ang kumot. "Baka kasi nilalamig ka. Share tayo." Sabi niya sabay ngiti. Ang clingy niya rin. Pero ang pagkaclingy niya ay hindi naman awkward. Siguro ganun na talaga siya kafriendly.


Napatingin ako kay Ken. Naupo pala siya sa tabi ni Aira. Syempre naman. Sa kanan ko naman si Ace, sa kaliwa ko si Dice, katabi niya si Clay, next na si Aira, Ken and Ate, sunod na si Claine.


"Sige, ngayon, maging free tayo. Walang pagkukunwari. Wala muna niyang mga plano plano na 'yan."


Buti naman. Kahit dito man lag maging malaya kami. Wala namang mga adults sa paligid namin kaya okay lang. Nasa loob sila ng bahay. Baka doon din naman sila nagmemeeting.


Hindi naman kami naglaro. Nagkantahan lang kami. Si Ken ang naggigitara, minsan naman si Clay. Napangalumbaba nga ako dahil mukhang inaantok ako.


"Dice! Aish!" Sigaw ni Clay. Napatingin kami sa kanya. "Palitan mo nga 'yang kinakanta mo. Umayos ka sa pagkanta." Pano ba naman, mali mali sa tono ang ginagawa ni Dice. Natawa naman itong si Dice. Gustong gusto niya atang nakikitang namumula sa galit si Clay.


Natawa naman sila. Tumayo si Ate. "Tama na, boring na, laro na lang tayo ng Truth or Dare." Sabi niya. Ready na ready ata siya at may dala siyang bote.


Pinaikot nila ito. Natama ito kay Claine at agad itong sumigaw ng Dare. Ayaw niya daw sa Truth dahil ang corny lang naman ng itatanong sa kanila.


"Sumayaw ka sa gitna." Utos ni Clay. Sinamaan siya ng tingin ni Claine. Pero walang magagawa si Claine. Dahil kung hindi sumunod sa kung ano mang pinag-uutos, siyang maghuhugas ng pinagkainan habang andito kami.


Sumayaw naman siya.


"1 minute!" Sigaw ni Dice sa kanya. Napatigil si Claine.

Let Me KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon